g wala na sa bansa ang dating chief of staff ni Senate Minority - TopicsExpress



          

g wala na sa bansa ang dating chief of staff ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na si Atty. Lucila “Gigi” Reyes na sinasabi sa mga ulat na kasama ng naturang mambabatas na sasampahan ng kasong plunder kaugnay ng sumambulat na pork barrel scandal. Base sa mga sources ng Abante buhat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), si Reyes ay umalis sa bansa at nagtungo ng Macau noon pang Agosto 31, lulan ng Cebu Pacific flight 5J362. Base pa sa impormasyon, dala ni Reyes ang dalawang check-in baggage nang ito ay lumipad patungo sa naturang destinasyon at base sa schedule ng naturang airline, umalis sa NAIA Terminal 3 ng alas-7:30 ng gabi ang nasabing eroplano noong nasabing petsa. Maugong ang balita na wala na sa bansa ang presidente ng Technological Resource Center (TRC) na si Antonio Ortiz na dinadaanan din ng mga pekeng NGO, gayundin ang deputy chief of staff ni Senador Jinggoy Estrada na si Paulene Labayen na umano’y nasa Australia na.
Posted on: Fri, 13 Sep 2013 05:37:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015