inspiring story from our sis.. ANO NGA BA SAYO MEANING NG MARRIED - TopicsExpress



          

inspiring story from our sis.. ANO NGA BA SAYO MEANING NG MARRIED LIFE? Ako kase wala pang idea noon ang pangarap ko kse yun tipong mahal ko mapapangasawa ko at masayang mamumuhay nang tahimik pero sadja talagang mapaglaro ang tadhana binigay nya saken ang lalaking hindi ko pa lubos na nakikilala mahirap tumanggi dahil ang alam ko malaki ang maitutulong nya sa pagbabago ng buhay ko. Ang hirap pala kapag dayuhan ang napangasawa mo ang daming adjustment simula sa pagsasalita hanggang sa pamilya at tradisyon nila. Naisip ko na tumakas nalang dahil hindi nako masaya lagi rin kame nag aaway wala din akong mga kaibigan kaya wla masydong nagpapayo saken hindi rin naman pwd ipaalam sa pamilya ko sa pinas dahil mag aalala lang sila. Pero naisip ko tutal andito narin naman ako panindigan ko na lalo wala syang pera at ayaw nya pako mag work kaya halos isang taon akong kulong sa bahay .Dumating yung tym na nagka problema sya sa trabaho kaya napilitan kame mapaalis sa tinitirahan namin no choice kahit ayaw ng pamliya nya saken dahil isang hamak na wegugin lang naman ang pinakasalan ng anak nya nakitira kame lunok ang pride nagsumikap ang asawa ko para magkapera, nagkaron sya ng pagkakakitaan at naging ayos naman humiwalay kme ng bahay . Pero bat kaya ganun iba sya sa mga koreanong kilala ko hindi sya marunong mag ipon lagi nya winawaldas ang pera nya at nagawa pang mangbabae siguro dahil bata pa sya 27 lang kse sya at 23 ako. Ang hirap para saken bilang aswa kaya nag rebelde ako hindi ko sya kinausap at nag work ako mag isa wla kame pakielaman sa isat isa pero dko alam buntis pala ako kaya napilitan ako mag stop sa work at sinabi ko na buntis ako pero hindi sya naniwala na sya ang ama.. ang sakit lang pinabayaan nya ako basta nagbibigay lang sya ng pera , hindi nako nakipagtalo dahil may pride pakong natitira sa sarili ko mas gusto ko pa isipin nya na ibang lalaki ang nkabuntis saken kesa sa kanya na walang kwentang ama ... Pero nun tym na buntis ako nahahalata ko naman na may pagmamahal pa sya saken nalaman ko yun nun tulog ako hinahaplos nya yun mukha ko at hinihimas ang malaki kong tyan.. naiyak ako nun tym na sinabi nyang “ patawarin moko dahil hinayaan ko maging ganito tayo ,lalayo muna ako dahil ndi ko kayang makita yun batang dinadala mo “ tas iniwan nya nako sa kwarto .. tahimik lang ako umiiyak nun tym na yon dumating yun oras na manganak ako ng pa advance admit aq dahil walang magbabantay saken wla din azwa ko nun. nagsilang ako ng baby boy may mga kaibigan akong dumalaw at tinulungan ako ( nun tym na nagbubuntis ako wlang alam ang pamilya ng aswa ko ) 3months hindi nagpakita aswa ko pero lagi may laman acct ko nilalagyan nya nagpapaslamt padin ako sakanya. nkakatuwa dahil kamukha nya papa nya hindi ko mapigilan maiyak ayoko lumaki ang anak kong walang ama kaya yun mga picture ni baby sinend ko sa aswa ko.. “daddy pls. go home i miss you lets start again with our son “ hindi ko alam if mag reresponse sya basta nasa kanya nayon if uuwi paba sya sken. kinabukasan pagbukas ko nagpinto bumungad sya niyakap nya ako ng mahigpit habang umiiyak kameng dalwa . humingi sya saken ng tawad wla daw syang kwentang ama at aswa at nangakong magbabago nun nakita nya anak namin lalo syang umiyak at panay ang sorry masaya ako .kahit ganun ang nangyari may pag asa pang magbago at pagsasama nmin sino ba ako para hindi sya patawarin kaya para saken ang meaning ng marriage kahit anong pagsubok na dumating hindi solusyon ang pag didivorce unless kong pareho na kayong walang pagmamahal sa isat isa. hanggang dito nalang mga kasis happy3rd day of chuseok .salamt sa nag tyangang magbasa figthing mga ka sis! and dont forget to pray . sender aika
Posted on: Fri, 20 Sep 2013 09:50:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015