sa katapusan ng buwan ay nakatakdang isumiti ng KATLO SAN JULIAN - TopicsExpress



          

sa katapusan ng buwan ay nakatakdang isumiti ng KATLO SAN JULIAN INC. ang mga dokumento at output sa isinagawang proyekto nito na Organizational Development na tinaguri-ang "Enhancing KSJI Organizational Development" sa ilalim ng CBO Grant na ipinagkaloob ng ISEAN HIVOS Program Global Fund Round 10. Kabilang sa mga dokumentong ito ay: 1. Five Year Strategic Plan kalakip ang process documentation 2. Operations Manual kalakip ang process documentation at mga financial forms bilang mga annexes 3. Financial reports at mga attachments 4. Accreditation certifications ng DOH Region 8 and Province 5. BIR tax exemption applications at iba pa Ang mga output na ito ay maluwalhating naitaguyod at nabuo ng organisasyon sa loob ng tatlong buwan na nagsimula noong Abril.malaking tulong ang pagsasama sama at pagtutulungan ng mga officers and members ng organisasyon na siyang naging daan tungo sa tagumpay na ito. Inaasahan na sa pagkakaroon ng organisasyon ng ganitong mga plano at dokumento ay lalo pang mapalaganap ang mga programa at advocacy nito lalo na tungo sa adhikaing maitaas ang antas ng kaalaman ng mga MSMs at TGs at ng buong community sa STI HIV and AIDS. Malugod na nagpapasalamat ang KATLO San Julian Inc. sa suportang ipinagkaloob ng IHP (Global Fund Round 10) sa Pilipinas sa pamamagitan ng PNGOC at ng TLF SHARE Inc. Mabuhay ang KATLO!
Posted on: Mon, 24 Jun 2013 05:47:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015