shared by Enitsirhc Ecyoj Zetroc Hello po. Magsheshare lang po - TopicsExpress



          

shared by Enitsirhc Ecyoj Zetroc Hello po. Magsheshare lang po ako ng ghost stories.. Pero hindi sya masyadong nakakatakot. I hope wala pong nega comment. sa School po namin ito. Last Thursday nagkwentuhan kami ng mga classmates ko,kasama narin ung teacher namin,madaming nakakaramdam sa school namin, meron poh kasi sa CR,rooms,IMC,at sa gym.. May bata daw po,babaeng studyante,matandang teacher at matandang babaeng nakaitim. Ung school namin ung naging tirahan nila. Eto po ung kwento ng teacher namin. Bandang 8-9pm ng gabi nasa school pa sya kasama ung 3 teacher,pero po ung isang teacher uuwi na,sabi nya kay sir mark "sir mark,uwi na ko,hindi ka pa ba uuwi?" sabi ni sir mark "hindi pa,tatapusin ko muna itong ginagawa ko" "ok cge. ingat ka nalang sa bata (sabay tawa)" napaisip si sir mark kung sino ung batang un,akala nya istudyante lang so hindi nalang nya pinansin ung sinabi nung teacher na un. tuloy parin sya sa ginagawa nya, then may naisip nanaman sya baka daw ung batang un multo,duguan etc. pinuntahan nya ung isa pang teacher, bago sya pumasok sa faculty room may biglang tumakbo,ang bilis daw poh,naisip nya na un ung batang sinabi sa kanya. pero tuloy parin sya sa pag pasok para sabihan ung isa pang teacher na umuwi narin sila, then ayun,umuwi na sila. (2nd story) Pupunta si sir mark sa Drafting room para kumuha ng pintura,dahil gagamitin nila, mga bandang 10pm na un. Madilim at umuulan pa,pag akyat nya ng 4th floor may nakita syang nakatayo sabi nya "buti nalang may maintenance pa" then dumeretso na sya sa drafting room,pagbukas nya ng pinto biglang may pumasok,naramdaman nya ito, sa isip isip nya may naunang pumasok sa kanya,dahil sa takot di na sya tumuloy,bumaba nalang sya ulit. Madami pa pong story,next time nalang po ung iba. Un lang po. Thank you.
Posted on: Sat, 20 Jul 2013 11:35:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015