-----5 guro sa Cebu, pinaaaresto dahil sa namatay na mga - TopicsExpress



          

-----5 guro sa Cebu, pinaaaresto dahil sa namatay na mga ----estudyante sa field trip Written by Dennis Jamito Published in Latest News Tuesday, 02 July 2013 12:22 Pinaaaresto na ng Bataan Regional Trial Court ang limang guro sa Cebu kaugnay ng pagkamatay ng dalawang estudyante sa isinagawang field trip noong nakaraang taon sa Morong, Bataan. Batay sa resolusyon ni Judge Remigio Escalada Jr. Balanga City RTC Branch 3, nakitaan ng sapat na basehan ang reklamo ng mga kaanak ng mga nalunod na sina Kyle Julian Gullas-Weckman at Jae Hak James. Kinilala naman ang mga pinaaarestong guro na sina Geronimo Alguno, Maria Socorro Laplana, Leah Joy Cabanban, Susan Rigby at Tyler Herbst na pawang nagtuturo sa Cebu International School. Maaari namang magbayad ng P30,000 na pyansa ang bawat isa sa mga ito para sa pansamantalang kalayaan. - ----See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/10320-5-guro-sa-cebu-pinaaaresto-dahil-sa-namatay-na-mga-estudyante-sa-field-trip#sthash.Fuk4v1iD.dpuf
Posted on: Tue, 02 Jul 2013 08:30:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015