11 OFWs nadale ng contract breach sa Jeddah (Aries Cano) - TopicsExpress



          

11 OFWs nadale ng contract breach sa Jeddah (Aries Cano) Nagpasaklolo ang 11 Filipino workers sa Jeddah, Saudi Arabia sa Philippine Overseas Labor Office/Overseas Workers Welfare Administration-Jeddah (POLO/OWWA-Jeddah) matapos umanong labagin ng kanilang employer ang kanilang kontrata nang tumanggi itong i-renew ang kanilang resident permit. Bunsod nito, walang medical benefits at naantala ang sahod sa loob ng tatlong buwan ng mga nagre­reklamong OFWs. Himutok ng mga OFWs, hindi na sila makapagpadala ng suportang pinansyal sa kani-kanilang mga kaanak sa Pilipinas dahil hindi pa sila pinapasuweldo. Inihayag ng isa sa mga Pinoy worker na pati ang sarili nila ay hindi nila alam kung paano pakakainin. “I have eight children and some of them are already in college. How am I going to send financial support with our situation like this?” pahayag ng isa sa OFW na nagpakila­lang si Jason sa panayam ng local press sa Kingdom. Ilan din umano sa kanila’y iniwan na ng kanilang mga asawa sa pag-aakalang sila ay nambababae sapagkat wala silang pinadadalang pera. ~angel~
Posted on: Mon, 12 Aug 2013 01:06:10 +0000

Trending Topics



style="margin-left:0px; min-height:30px;"> QPR have recalled Brazil goalkeeper Julio Cesar from his loan

Recently Viewed Topics




© 2015