131...wildrose Balita..... ●/ FOI bill, lusot na sa dalawang - TopicsExpress



          

131...wildrose Balita..... ●/ FOI bill, lusot na sa dalawang komite sa Senado /▌ / Written by Jun Mendoza Published in Latest News Wednesday, 18 September 2013 16:58 Lusot na sa dalawang komite ng Senado ang isinusulong na kontrobersiyal na Freedom of Information (FOI) bill. Makalipas ang dalawang beses lamang na pagdinig ng joint committees on public information, civil service at finance, inanunsyo ni Sen. Grace Poe na nagkasundo na umano sila sa "basic provisions" ng panukalang batas. Sinabi pa ng senador na binabalangkas na lamang nila ang committee report para lagdaan ng kanilang mga miyembro bago ito isumite sa plenaryo sa susunod na linggo. Tiwala rin ang mambabatas na maipapasa ng Senado ang FOI bill ngayong taon. Layunin ng panukalang batas ay para mabigyan nang mas malawak na access ang publiko sa mga government records. Una rito, kinumpirma ng Malacañang na pasok na rin sa priority bills ng administrasyon ang Freedom of Information (FOI) Bill. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/23011-update-foi-bill-lusot-na-sa-dalawang-komite-sa-senado#sthash.vDYf73iJ.dpuf
Posted on: Wed, 18 Sep 2013 11:26:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015