52 na patay! | Updated September 15, 2013 MANILA, Philippines - - TopicsExpress



          

52 na patay! | Updated September 15, 2013 MANILA, Philippines - Umaabot na sa 52 ang death toll habang 70 ang sugatan sa patuloy na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Moro National Liberation Front (MNLF)-Misuari faction sa Zamboanga City. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, kabilang sa 52 nasawi ay tatlong sundalo, tatlong pulis, apat na sibilyan at 42 MNLF rouge elements. Sa ikaanim na araw ng krisis kahapon ay muling nagbakbakan ang tropa ng gobyerno at MNLF breakaway group sa Sta. Catalina, Zamboanga City na ikinasawi ng 14 katao habang 46 pa ang nasugatan. Sa pinagsamang ulat ng PNP at AFP, dakong alas-7:20 ng umaga ng magpaulan ng mortar ang MNLF sa Brgy. Sta. Catalina. Nakipagsagupa naman ang nagsanib puwersang tropa ng AFP at PNP laban sa MNLF kung saan ang palitan ng putok ay tumagal ng hanggang pasado alas-8 ng umaga. Kabilang sa nasawi rito ay isang sundalo, tatlong pulis, apat na sibilyang naipit sa bakbakan at anim sa panig ng MNLF. Nasugatan naman ang 16 sundalo, 8 pulis, 22 sibilyan. Nasakote rin sa operas­yon ang nasa 20 MNLF matapos makorner ng security forces sa kasagsagan ng bakbakan habang papatakas. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang manaka-nakang bakbakan sa ilang apektadong lugar sa lungsod ng Zamboanga kaya ayon kay Zagala ay malabo ang ceasefire. “We will maintain this momentum, tayo bilang sundalo ang last na magagamit to maintain peace and order, we are open to anyone who can help for a peaceful solution on the problem”, ang sabi pa ng opisyal. Idinagdag pa nito na kung patuloy ang pag-atake ng MNLF rogue elements ay walang ma­gagawa ang mga sundalo kundi ang rumesponde at sagupain ang mga sumisira sa kapayapaan. “We have suffered casualties due to the ongoing operations. But rest assured we will press the fight to protect civilians,” pahayag ni Zagala. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa mahigit pang 100 sibilyan ang hostage ng MNLF na ginagawang ‘human shield’ sa Sta. Barbara, Sta. Catalina, Mampang, Rio Hondo at Talon-Talon. Nanawagan naman si Zagala sa mga sibilyan na lisanin ang ‘danger zone’ upang hindi maging collateral damage sa nagaganap na krisis. Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang standoff sa pagitan ng security forces at ng MNL na pinamumu­nuan ng lima nitong Commander. callalily:-)
Posted on: Sat, 14 Sep 2013 22:41:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015