ANG DATING FILIPINO NA NATURALIZED CITIZEN NG IBANG BANSA AY - TopicsExpress



          

ANG DATING FILIPINO NA NATURALIZED CITIZEN NG IBANG BANSA AY PWEDENG BUMILI NG LUPA SA PILIPINAS NGUNIT ITO AY MAY LIMITASYON SA SUKAT. ANG DATING FILIPINO NA KUMUHA NG DUAL CITIZENSHIP UNDER REPUBLIC ACT NO. 9225 AY WALANG LIMITASYON SA PAGBILI NG LUPA SA PILIPINAS. Dahil marami nang Filipino ang pumupunta at naninirahan sa ibang bansa, karamihan sa kanila ay nagbabalak na magpa-naturalized citizen sa banasa na kanilang pinuntahan. Akala ng karamihan na kung naturalized citizen ka na at nawalan ka na ng Philippine citizenship ay nawalan ka na rin ng karapatan na bumili ng lupa sa Pilipinas. Ang isang dating Filipino na naging naturalized citizen sa ibang bansa ay pwedeng bumili ng lupa sa Pilipinas ngunit ito ay may limitasyon sa sukat at gamit. Under Batas Pambansa Bilang 185, ang dating Filipino na naging naturalized citizen ay pwedeng bumili ng residential land for residential use only up to 1,000 square meters at one (1) hectare of agricultural of farm land. Kung for business/commercial use, as amended by Republic Act No. 8179, ang dating Filipino na naging naturalized citizen ay pwedeng bumili ng up to 5,000 square meters of urban land, and up to three (3) hectares of rural land. Kung ang dating Filipino naman ay kumuha ng dualcitizenship under Republic Act 9225 (Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003), binabalik ng nasabing batas ang karapatan na bumili ng lupa sa Pilipinas ng walang limitasyon sa kanya. Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa pagbili ng lupa sa Pilipinas at ang tamang proseso nito, register at my website at e-lawyersonline. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Tue, 02 Jul 2013 14:08:21 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015