ANG KASAL AY WALANG EXPIRATION PERIOD AT WALANG BATAS SA PILIPINAS - TopicsExpress



          

ANG KASAL AY WALANG EXPIRATION PERIOD AT WALANG BATAS SA PILIPINAS O SA FAMILY CODE NA NAWAWALA ANG BISA NG KASAL SA MATAGAL NG PAGHIHIWALAY O TAGAL NG WALANG KOMUNIKASYON NG MAG-ASAWA. ANG KASAL AY HINDI AUTOMATIC NA NAWAWALA ANG BISA EXCEPT SA PAG-KAMATAY NG KANYANG ASAWA. NAPAPAWALANG BISA LANG ANG KASAL SA PAMAMAGITAN NG ANNULMENT OF MARRIAGE SA KORTE. ANG TAGAL NG PAGHIHIWALAY AY HINDI RIN GROUND SA ANNULMENT OF MARRIAGE AT HINDI REQUIRED SA BATAS NG PILIPINAS O SA FAMILY CODE ANG MATAGAL NG PAGHIHIWALAY O TAGAL NG WALANG KOMUNIKASYON NG MAG-ASAWA PARA MAISAMPA ANG ANNULMENT OF MARRIAGE. Marami pa rin mga friends sa Facebook ang nagtanong sa E-Lawyers Online na kung may bisa pa ba daw ang kasal nila dahil matagal na silang hindi nagsasama o walang komunikasyon sa isat-isa. Meron din ako mga nabasa na talakayan na "pag daw more than 7 years nang hiwalay ang mag-asawa ay null and void na ang kasal at pwede nang mag-asawang muli." Ito ang mga tanong nila: "Attorney, 8 years na kaming hiwalay ng mister ko, pwede na po ba akong magpakasal muli? Ang sabi ng karamihan ay nawawala na daw ang bisa ng kasal after more than 5 years nang hiwalay." "ATTY., wala na kami komunikasyon ng misis ko for 6 years. Ito ba ay sapat na para ma-aprobahan ng korte ang aking annulment of marriage na isasampa?" Uulitin po namin na mali po ang mga kaisipang ito dahil walang provision sa Family Code o walang batas sa Pilipinas na nagsasabi na ang epekto o bisa ng kasal ay nawawala dahil lang sa tagal ng paghihiwalay ng mag-asawa o tagal ng kawalan ng komunikasyon ng dalawa. Kahit 100 years nang walang komunikasyon o hiwalay ang mag-asawa, as long as na buhay pa sila ay may bisa pa rin ang kasal nila at hindi sila pwedeng magpakasal muli sa ibang tao hanggat hindi napapa-annul ang kasal nila sa korte. Kahit 10 years na silang hiwalay, as long as na buhay pa sila ay may bisa pa rin ang kasal nila at hindi sila pwedeng magpakasal muli sa ibang tao hanggat hindi napapa-annul ang kasal nila sa korte. Ang karapatan ng isang tao na mag-asawa muli ay automatic na binibigay lamang sa pagkamatay ng kanyang asawa. Kung buhay pa ang asawa, ang karapatan ng isang tao na mag-asawa muli ay hindi makukuha hanggat hindi napapawalang bisa ang unang kasal sa korte o nadedeklarang patay na ang asawa under the process of judicial declaration of presumptive death o narerecognize ang foreign divorce ng isang Filipino. Ang Article 1 ng Family Code ay nagdefine ng "kasal" o "marriage" bilang isang special contract ng permanenteng pagsasama (PERMANENT UNION) sa pagitan ng lalaki at babae ng naayon sa batas para sa pagtatayo ng buhay may asawa at pamilya. Ito ang pundasyon ng pamilya at hindi mabubuwag na institusyong sosyal kung saan ang saysay, bunga at insidente nito ay pinapamahalaan ng batas at hindi maaring pagkasunduan ng mag-asawa kundi ang kanilang relasyon sa ari-arian na pwedeng pagkasunduan bago sila ikasal. Dahil ang "marriage" o "kasal" ay permanente, ang kontrata na ito ay walang expiration period at hindi nawawala ang bisa nito hanggat hindi napapa-annul ang kasal nila sa korte. Ganun din, ang tagal ng paghihiwalay ng mag-asawa o tagal ng kawalan ng komunikasyon ng dalawa ay hindi pwedeng gamitin na ground sa annulment of marriage dahil wala ito sa Family Code. Ang mga grounds sa annulment of marriage ay ang mga nasa Family Code lang tulad ng underage marriage, lack of marriage license, lack of authority of solemnizing officer, etc. at ang tagal ng paghihiwalay ay hindi kasama bilang ground sa annulment of marriage. Hindi rin required sa proseso ng annulment of marriage ang matagal na paghihiwalay o matagal na walang komunikasyon ang mag-asawa dahil ang nirerequire lamang ng Family Code ay may ground at evidence ang magsasampa ng annulment. Kahit 1 week pa lamang ang kasal ay pwede na isampa ang annulment of marriage kung may ground at evidence. Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment at ang tamang proseso nito, register at my website at e-lawyersonline. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 06:09:46 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015