ANG PAGPAPALIT NG RELIHIYON O PAGPAPAKASAL SA IBANG RELIHIYON AY - TopicsExpress



          

ANG PAGPAPALIT NG RELIHIYON O PAGPAPAKASAL SA IBANG RELIHIYON AY HINDI NAKAKAWALA NG BISA NG KASAL DAHIL WALANG BATAS NA GANITO SA PILIPINAS. NAWAWALA LANG ANG BISA NG KASAL SA KAMATAYAN NG ASAWA O KAYA SA PABORABLE NA FINAL DECISION NG KORTE NA NAGPAPAWALANG BISA DITO. Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung sila ba ay na-convert na sa isang relihiyon at nagpakasal na uli sa nasabing relihiyon sa pangalawa ay walang bisa na ang kanilang unang kasal. Ito ang tanong: "Attorney, ako po ay nagpaconvert na sa ibang relihiyon at dahil po dito ay wala na daw bisa ang kasal at pwede na akong magpakasal. Tama po ba yon?" Walang batas sa Pilipinas na nagsasabi na ang kasal ay nawawala ang bisa dahil lang sa pagpapalit ng relihiyon ng asawa. Hindi rin nawawala ang bisa ng kasal dahil lang sa pagpapakasal sa ibang relihiyon. Ang ating 1987 Constitution ay nagsasabi na ang Gobyerno/Estado at ang Simbahan/Relihiyon ay magkaiba at magkahiwalay kung saan sila ay hindi pwedeng makialam sa mga panuntunan o batas ng isat-isa. Sinasabi nga sa Section 6 ng 1987 Constitution: "The separation of Church and State shall be inviolable." Kung kaya ang kasal sa batas ng ating Gobyerno/Estado ay pwede lang mawala ang bisa based sa batas ng Gobyerno/Estado at walang epekto ang pagkawala ng bisa ng kasal based sa batas ng Simbahan/Relihiyon. Kung kaya ang marriage o kasal ay HINDI nawawala ang bisa sa pagpapalit ng relihiyon o pagpapakasal muli sa isang relihiyon. Ang isang tao na may unang kasal ay hindi automatic na nawawala ang bisa nito kahit ilang beses siyang magpakasal sa ibat-ibang asawa sa ibat-ibang relihiyon. Dalawang sitwasyon lang ang nasa batas na automatic na nawawala ang bisa ng kasal (1) in case of death of kamatayan ng asawa; (2) in case of 2nd marriage by reason ng declaration ng presumptive death ng absent spouse. Ito ay automatic na nawawala ang bisa ng 2nd marriage sa recording o pagtatala ng absent spouse ng kanyang affidavit of reappearance sa local civil registrar. Napapawalang bisa lamang ang marriage o kasal sa pamamagitan ng pagsasampa ng "annulment case" o "declaration of nullity of marriage" sa korte at pagkuha ng favorable decision ng korte based sa ground na naayon sa Family Code at sa ebidensiya na napresenta na-ayon sa Rules of Court. Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment of marriage at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at e-lawyersonline. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 10:57:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015