Agaw-buhay sa halik kay pinsan (Cherk Almadin) Kadalasan - TopicsExpress



          

Agaw-buhay sa halik kay pinsan (Cherk Almadin) Kadalasan ang pagseselos ay tanda ng pagmamahal pero pagkaminsan ay mapanganib ito lalo na kung ang pagseselos ay may kasamang obsesyon tulad na lamang ng isang lalake na pinagsasaksak ng pinsan ng kanyang nobya sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Dahil sa insidente ay kritikal ngayon ang lagay ng biktimang si Paul ­Jigger Salazar, 29-anyos, binata, nakatakdang ikasal sa susunod na taon, tubong Mindoro at nanunuluyan sa Barangay 178, Camarin ng nasabing lungsod habang kinilala ang suspek na si Brandy Diamson, 25-anyos, walang hanapbuhay at residente ng nasabi ring lugar. Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Louelle Rabara ng Caloocan City Police Sub-Station 5, ala-una ng madaling-araw nang umuwi ang biktima at pinsang babaeng nakilalang si Anna Rose Salazar, 24-anyos, nobya ng suspek galing sa pamamasyal kasama ang ama ni Salazar. Pagpasok nila ng bahay ay nakita nilang naroon ang suspek at matagal nang hinihintay ang nobya. Agad na ipinakilala ni Salazar ang pinsan sa nobyo at pagkatapos ay nagpaalam ang biktima na magpapahinga na. Pagkaalis ng biktima ay nag-usyuso ang suspek sa nobya kung bakit umano ngayon lamang niya nakita ang biktima na sinagot naman ng kanyang kasintahan na galing sa probinsya ang pinsan. Tila hindi umano naniniwala ang suspek at kinukulit pa rin ang GF kaya’t sa inis ay pinauwi ang nobyo. Mula sa bintana ay nagmasid pala ang suspek kaya’t nakita niyang pumasok ang biktima sa silid ng nobya at nagkuwentuhan pero nang mag-ring ang cellphone ng biktima, at luma­bas na ito pero humalik muna ito sa pisngi ng pinsan. Ngitngit na ngitngit ang suspek sa nakita kaya’t pagkalabas ng biktima sa pintuan ng bahay upang maghanap ng signal ay sinugod ito ng saksak ng suspek. Nang marinig ang ingay sa labas ay lumabas ng nobya ng suspek at nakita ang kanyang nobyo na hinuhugot ang patalim na nakatarak sa pinsan, at nagtatakbo patakas. abante-tonite/issue/nov0413/crime_story02.htm
Posted on: Sun, 03 Nov 2013 20:40:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015