Ayy! NAALALA KO PALA YUNG GRADE 6 AKO THIS IS LOVABLE! READ THIS! - TopicsExpress



          

Ayy! NAALALA KO PALA YUNG GRADE 6 AKO THIS IS LOVABLE! READ THIS! :D Nung Grade 6 ako sa Gubat kung saan kinwento sa akin ng pinsan ko na yun daw banda sa gubat na yon may isang NAPAKAGANDANG DUWENDE! Ee naalala ko din pala na ito yung NAPANAGINIPAN ko tamang-tama yung lugar pati na rin yung pangyayari! :O Diba Nakakapanghinayang? Eto kasi yun, pagkakwento sa akin ng pinsan ko natatakot sila ng mga kasama niya na pumunta at mag-stay doon! Pero naglakas-loob ako na pumunta doon. Pagkapunta ko may humagip na hangin malakas tapos yung mga dahon nagka-counterclockwise pati clockwise. So onti-onti kumatob yung puso ko! Naramdaman ko sumusunod siya tapos feeling ko gusto niyang makipagkilala. May dumaan na kotse, dumaan lang wag kang OA! Tapos yung kinekwento ng pinsan ko na isang bahay daw na pinapalibutan ng kalawang dun daw nagiistay yon. Pero dun na ako hindi pumunta. So kinabahan na ako medyo. Yung may mga dahon na kakakwento ko pa lang... Eto aah! Pagkatingin ko ng mabilis sa likod biglang tumigil ! Pagkatapos nun pumunta ako sa ilog na pa-slant yung lupa tapos pagnadulas ka doon tiyak na malalaglag ka kasi walang harang so puno lang ang mga nasa gilid... Pumunta ako walang kaba. Halos tumapak na ako sa pinaka dulo ng lupa hinintay ko yung malakas na hangin pati na rin yung paghulog sakin nung duwende pero hindi nanyari yun pero may malakas na hangin na dumaan feeling ko may nakahawak sa braso ko at pinapa-atras ako para hindi mahulog. Trinay ko lang siya kung talagang galit siya sakin kasi alam ko rin na bago lang ako sa kanya. Pero hindi pala. Sa napanaginipan ko may upuan doon na kawayan tapos sa totoong buhay meron nga rin! :O hindi ako pumunta kasi feel ko maggalit siya pag pumunta ako! Sa lahat ng yun dun na ako bumalik sa kamag-anak ko kung saan nagdadasal sila sa Cavite na taong nanggagamot. Maya-maya pumunta na ako sa gilid ng gubat kung saan malayo na sa duwende. Nagbabato kami ng mga bato ng pinsan ko sa malinis na ilog. Habang nagbabato may mga grass na gumagalaw at parang may pumupunta sa akin? Pero dinedma ko na lang. Habang nakaupo, :D may biglang yumakap sa akin ang sarap ng paglalambing niya pero hindi ko alam kung ano yun ewan ko kung siya ulit kasi may hangin ulit na dumaan! Nagtagal yon! Tapos nun tumayo ako, pagkatayo ko umalis na kami umuwi na at dahil sa may kasalanan ako dun sa lugar na yon dahil nangputol ako ng halaman kasi nagkaroon ako ng kaibigan at napunta sa mali... Di na ako muling bumalik kaya nananatili ako sa Pasay kahit tuwing linggo ay pumunta ang kamag-anak ko dun linggo-linggo... =) Ang Lovable ng Story ko nooo?! Hehehe ! Tapos nga pala nun nagpakilala ako heheehe! ^_^ #AngTrueStoryNiAveanne Totoo ito! :D Sa tingin mo mangyayari kaya to sayo? Hahaha. Yung mga nanyari saktong sakto sa panaginip ko biglang nagkatotoo? :D ? Kagulat!
Posted on: Fri, 29 Nov 2013 11:34:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015