BUHOK NG KA-LIVE IN PINAGDISKITAHAN NG UMBAGERONG KANO Ni Nonnie - TopicsExpress



          

BUHOK NG KA-LIVE IN PINAGDISKITAHAN NG UMBAGERONG KANO Ni Nonnie Ferriol LOCAL NEWS Pormal na inireklamo sa pulisya ng isang 23-anyos na dalaga ang kanyang live-in partner na African-American citizen, matapos na siya’y bugbuhin at ukain ang kanyang pinaka-iingatang mahabang buhok dahil sa matinding selos sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi. Kasama ang kaibigan nang magtungo sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na pinamumunuan ni Chief Insp. Milany Martirez ang biktimang si Renavic Magbanua y Chavez, ng DM Rivera St., Bgy. Poblacion, ng nasabing lungsod upang ireklamo ang live-in partner na si Courtney Davis y Davon, 35, kasalukuyang nakatira sa Tower 3 Dansalan Garden, Bgy. Malamig, Mandaluyong City. Sa pahayag ng biktima kay PO2 Mary Fe Agluba, imbestigador ng WCPD, Nobyembre 16 pa umano nagsimulang magselos ang suspek sa kanya at nang araw ding iyon ay sinimulan na rin siyang saktan nito. “Pinagsasampal niya ako nang araw na iyon, pinagpapalo ako ng hanger, sinisipa ang katawan ko at iniuuntog ang ulo ko sa salamin. Takot na takot ako sa kanya at pinagbabantaan pa akong papatayin,” pagtatapat ng biktima kay PO2 Agluba. Subalit sa kabila umano nito ay nagtiis siya sa pag-asang magbabago rin ang kinakasama. November 20, dakong alas-nuwebe ng gabi habang nagpapahinga ay muli umano siyang sinaktan nito sa pagdududang may kinakatagpo itong ibang lalaki. Hanggang kamakalawa ng gabi nang bigla siyang hilahin ng suspek na may dalang gunting at ginupit ang kanyang buhok nang pauka-uka. “Pinungos niya ang pinaka-iingatan at mahaba kong buhok, habang ginugupit niya ay galit niyang sinasabi na ang buhok ko raw ang dahilan kung bakit marami ang nagkakagusto sa akin,” umiiyak na sumbong ng galit na galit na biktima. abante.ph/issue/nov3013/crimes01.htm -Admin Racz
Posted on: Fri, 29 Nov 2013 17:55:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015