Bagong warship darating na! Agosto 3, 2013 Abante News Darating - TopicsExpress



          

Bagong warship darating na! Agosto 3, 2013 Abante News Darating na sa Subic Bay Freeport Zone ngayong araw ang BRP Ramon Alcaraz matapos ang halos isang buwan na paglalayag nito mula sa Amerika, ayon sa Malacañang. Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na pangungunahan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang welcome ceremony sa Martes para sa ikalawang warship ng Pilipinas. “Parating na po ‘yung ating pangalawang Hamilton-class cutter; bukas po ‘yan, parating po siya sa Subic, kung hindi po ako nagkakamali. And the President will be leading the welcome on August 6, Tuesday,” paglalahad ni Valte. Matatandaan na umalis sa San Diego, California ang BRP Ramon Alcaraz noong Hulyo 6 at dumaan sa Hawaii at Guam. Kahapon ay dumaan na ito sa Casiguran, Aurora para umikot patungong Subic Bay Freeport. “Para po siyang bagyo, nasa Philippine Area of Responsibility na po siya and it will eventually end up in Subic tomorrow,” pagbibiro ni Valte. Idinepensa naman ng Malacañang ang pagbili ng warship sa gitna ng kritisismo na wala umano itong binatbat sa moderno at naglalakihang naval force ng China. Ang nasabing barko ay na-decommissioned ng US Coast Guard at kinailangan pang gastusan ng P620 milyon para sa “refurbishment and retrofitting”. OFW FANATIC
Posted on: Sat, 03 Aug 2013 06:46:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015