Basa muna tayo... NEVER GET ATTACH TO THE OUTCOME!! Kaylangan - TopicsExpress



          

Basa muna tayo... NEVER GET ATTACH TO THE OUTCOME!! Kaylangan mong matutunan kung paano mo ihihiwalay ang emosyon mo sa yong business. Every business requires clarity and smart descision making. Hindi mo magagawa yun kung emosyon ang nangingibabaw sayo. Madami na „kong nakitang nag fail, nag-quit at huminto sa industry na „to dahil pinairal nila ang emosyon nila sa kanilang business. Porket hindi sumali yung best friend, porket negative yung mga kamaganak nila, ayun nagdamdam na. Yung iba sinabi kaagad sa sarili na hindi para sa kanila ang network marketing. Hindi mo dapat pairalin ang emosyon mo pagdating sa business mo. Business and emotion is a recipe for disaster. Isipin mo, hindi mo naman talaga kaylangan na malungkot, magtampo o manghinayang kapag hindi sumali ang mga kaibigan at mga kakilala mo. Hindi mo kaylangang problemahin kung hindi nila nakita yung nakita mo sa network marketing. Unang-una ay dahil hindi naman ikaw ang ni-reject nila kung ‟di ang opportunity at business na inaalok mo sa kanila. Kung hindi sumali ang prospect mo sa‟yo walang ibig sabihin yun. Maaaring hindi pa talaga napapanahon para sa kanila ang opportunity mo. Pwedeng wala pa silang pang-invest, baka busy pa sila masyado sa mga ginagawa nila, etc. Hindi mo din dapat ipakita na masama ang loob mo kung hindi sila sasali. Wag mong sirain yung relationship mo sa mga kaibigan at kamag- anak mo dahil hindi sila sumali. At tsaka pwede mo pa naman ulit silang balikan in the future kapag right timing na ang opportunity mo para sa kanila. Kung hindi sumali ang prospect mo sa‟yo just simply stop pitching them your opportunity. Mag-keep ka lang ng constant communication sa kanila. Just keep the relationship. Send them PM, Text, Emails, etc. na hindi related sa business mo from time to time. Alam mo ba, yung iba sa mga prospects na napapasali ko ay mga matagal ko ng prospects. Four to six months bago sila nakapag-decide mag join. Pero hindi mangyayari yun kung hindi ko pinagpatuloy ang pag build ng relationship sa kanila. Wag na wag kang magpapadala o magpapaapekto sa desisyon ng mga prospects mo. Magkaron ka ng abundant mindset. This is how I approach it. Kahit ano man ang mga pangyayari sa business ko, maganda man o hindi maganda, I just consider those as part of my business. Kapag may sumali, it‟s just part of the business. Kapag may hindi na nagparamdam, it‟s just part of the business. Kung hindi sumali, it‟s just part of the business. Kapag may objection, it‟s just part of the business. Kapag interesado yung prospect, it‟s just part of the business. Kapag may hindi interesado, it‟s just part of the business. Kaya kapag may prospect na hindi nag-join sa‟yo, it‟s just part of the business..
Posted on: Thu, 28 Nov 2013 16:19:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015