Bulilyaso! (Pauline Grace Poblete) Bulilyaso ang aktong - TopicsExpress



          

Bulilyaso! (Pauline Grace Poblete) Bulilyaso ang aktong panghoholdap ng dala­wang kalalakihan sa isang binata nang mapadaan ang isang pulis na naging dahilan upang maaresto ang dalawa kamakalawa ng umaga sa Cubao, Quezon City. Arestado ang suspek na sina Joven Dumaraog y Serrona, 36, may-asawa at Hermon Perez y Tamayo, 28, walang asawa, kapwa taga-MuntinlupaCity. Sa salaysay ng biktimang si OrlandBautista, naglalakad umano siya dakong alas-4:45 ng umaga nang lapitan ng dalawang suspek at tutukan ng kut­silyo sa bahagi ng EDSA sa Cubao, QC. Tiyempo namang napadaan si SPO2 Apolonio Basit at tatlo pa­nitong mga kasama na lulan ng isang pribadong sasak­yan kung saan ay kitang-kita nito mula sa northbound lane ng EDSA kung paano kinukuha ang iPhone 4S ngbiktima na nagkaka­halagang P20,000. Hindi na nagawang ma­­katakbo ng mga suspek nang isa-isa nang mag­si­babaan ng sasak­yan sina Basit kasama ang tatlo pang kasama­han at isinumbong ng biktima na siya ay hinoholdap dahilan upang bitbitin ang dalawang hol­daper sa presinto. =manhid=
Posted on: Tue, 27 Aug 2013 04:58:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015