Chapter 2: “Dre gising na! Papasok kana sa KIS!” “Ha? Ano - TopicsExpress



          

Chapter 2: “Dre gising na! Papasok kana sa KIS!” “Ha? Ano Kiss?” bigla akong tumayo. “Kiss ka dyan! Kadiri ka Nics!” “Jen nga kasi! Ayoko ng Nica!” “Ang arte!” “Teka nga anong ginagawa mo sa bahay ng 10:00 ng umaga, ha?!” “Syempre magba-bye sayo! Aalis kana!” “Alam mo nakakainis ka! Si Mario Maurer na nga yung napapanaginipan ko bigla kang magsasabi ng Kiss!” Opo. Pantasya ko po si Mario Maurer ko! Siya po ang aking minamahal! Sobra kasi yung gwapo niya tapos cute siya magsalita kapag English. Ahahaha XD Nakakabaliw si MARIO MAURER! “Sus! Mabuti kong makita mo talaga sa personal si Mario! Kay Pimchanok lang yun! Wag ka nga!” “Anong Pimchanok ka dyan! FYI, Jennica Mae Tolentino ang tunay na pangalan ni Pimchanok whatever na yun!” Tapos kunyaring sumusuka si Jerson. “Salamat Jerson ah! Salamat!” “Walang anuman ^_^ Bilisan mo na may nag-aantay na sayo sa baba!! Kanina pa nilalandi ng iyong kapatid.” “Anong pangalan?” “Jonathan ba yun?” “Sino yun?” “Basta sabi niya sinusundo ka niya!” “Sige magbibihis lang ako! Pababa na rin ng maleta ko.” “Ako talaga mag-bababa hindi ba pwedeng ikaw na lang?” “Akala ko ba Gentleman ka?” “Hindi ah! Sino ba nagsabi nun sayo?” “Ewan! Ibaba mo na yan at maliligo na ako!” “Fine. Fine. Kung maka-utos wuagas!” Lumabas na siya dala-dala yung maleta ko. Yung damit pala nung Marco na yun! Saan ko yun nilagay? Hanap. Hanap. Hanap. Aha! Nasa higaan ko lang! Esh. Tanga ko talaga! Lalabhan ko muna yun. Nilbahan ko na yung damit. Naligo na ako at nagbihis. Alam niyo ba kung ano suot ko ngayon? Syempre hindi niyo alam. Isang white long sleeve may neck tie na .. wa—wait! Ito yung sout nung Calvin ba yun? Tuloy .. neck tie na stripes at checkered light blue na palda na lampas tuhod at isang mahabang medyas na abot hanggang tuhod. Oha! Manang transformed into a Korean girl! ^_^> Nilugay ko lang ang aking hair dahil basa pa siya at trip kong maglugay ngayon. Nga pala may isa pa akong nakilalang lalaki kaso super sungit as in. *Flashback* (Jerson: May pa-flashback flashback ka pa dyan!! Nag-aantay na sayo si Jonathan! Jennica: Mamaya na siya! Hindi siya mamatay! *devil smile*) Pagpasok ko sa loob may lalaking nakahiga. “Ayy sorry may tao pala dito ..” “Ano kailangan mo.” “Dito daw yung room ko eh.” “Pss.” Tumayo siya tapos sinipa-sipa niya yung unan papunta dun sa parte kung saan sobrang gulo ng higaan. Humiga ulit siya. “ ... sama naman ng ugali nito ..” nabulong ko sa sarili ko. Pumasok ako sa loob. Emo ba tong si Kuya? Puro mga lalaking naka-emo yung poster niya. Tapos sobrang gulo nung higaan niya. Kamusta naman yung hihigaan ko di ba? “Hindi ka ba marunong maglinis ng bahay?” “ ...” “Grabe! Kala mo naman ...” gwapo nga hindi naman marunong maglinis ng bahay. Sayangs! *End Of Flashback* Hindi na kami nag-usap nun! Actually, kinukulit ko siya. Hindi niya lang ako pinapansin. Hehe. ^_^ “Ma mehn sino ka?!” bigla kong nasabi. Shete. Gwapo!! Gwapo!! Ala Mario Maurer!! *Q* Paksheet. “Ate bunganga isara makalunok ka pa ng langaw!!” “Kadiri ka, Shayne.” “Kanina pa kita inaantay. Tara na!” Tinignan ko siya mula ulo mukhang paa. Hindi joke lang .. Kasing gwapo naman ni Mario Maurer kaya hindi ko aasarin. Mga pormahan eh noh?! Ganun din yung uniform niya katulad ni Marco, kaso bukas naman lahat ng butones niya tapos yung neck tie niya parang nakasabit lang sa leeg niya. May kwintas din siya kaso letter L. “Tara na!” hinawakan niya ako sa balikat tapos dahan-dahang tinulak yung likod ko. Eeh? Siya lang gumawa nito ah? “Teka .. uy hindi pa ako kumakain!” “Libre kita. Wag kang mag-alaala.” Babae ba toh o ano? Ang hinhin kung magsalita. “Hoy babae maleta mo!” “May pangalan po ako.” Inabot ko yung maleta pero si Kuya yung kumuha. Siya na. Siya na. “Tara na!” Ito na naman si Limousine. Eh Me Ged! Masyadong nakakasilaw yung kintab? (Jen? Yung kintab ba nung sasakyan o yung kintab ng katabi mo? Jen: Both po! Ahahaha XD LoL. Loyal po ako kay Mario Maurer.) Binuksan niya yung pinto. “Pasok na.” “Oo!” “ATE wait!” “Ano?” “Cellphone! Tawagan mo kami!” “Uuwi naman ako dito linggo-linggo ah!” “Emergency! May malalaman kang balita, ganun?! Gamitin mo na toh!” “Okay.” Sumakay na ako sa loob. Xperia?! Grabe naman toh?! Masyadong manipis. Pinasok ko na siya sa bulsa ko. “Ang tagal niyo late na tayo!!” “Aahh! Bakit ka nandito?” “Masama ba?” Nandito na naman po si Marco. Haayyss. Alam niyo yung malaki yung sasakyan pero pinagsisiksikan namin yung sarili namin dun sa masikip na upuan. Tanga ata tong mga kasama ko?! Hindi nag-iisip. *kriing kriing* “Uh, si Ma’am!” “Sagutin mo na dali!” “Hello po Ma’am? ... Opo ... Ito na nga po .. Sige po! ... Opo kayo din po.” “Anong sabi??” tanong ni Marco. Alam mo yung iniipit niya ako. Maganda yan. “Bilisan daw natin. Andrew bilisan mo na!” “Traffic kaya!!” High-blood si Kuya?! Brrrrrr... That’s my tummy!! Food. Food. Hinihimas ko na yung tiyan ko. Anu ba yan! Hindi ako sana’y hindi makakain sa umaga. “Marco kunin mo yung bag ko. Dali!” “Utusan mo ako?! Kunin mo kung gusto mo.” “Sisipain kita. Kunin mo na.” Kinuha niya. “Ang lapit-lapit lang hindi pa inabot.” Sabi ni Marco. Parang bata! ^_^ “Oh ..” may inabot siya sa aking styro-foam. Max! Umm! Masarap toh! “Thanks.” Kakain ako habang nasa byahe? Pagbukas ko ... Cake? Agahan? Cake? Mabubusog ba ako nito? “Ayaw mo? Yan lang kasi yung pagkain sa bahay na hindi nilamutak ni .. ANDREW!” tinignan niya si Manong Driver. Ngumiti lang yung isa. “Mabubusog ba ako nito?” “Bakit sinabi ba niyang mabubusog ka?” Kung kilala na talaga kita Marco, hmm, naku .. mapapatay talaga kita. “Bahay? Yun ba yung mansion na malaki?” “Kaya nga mansion malaki! Saan ka ba nakakita ng mansion na maliit, di ba?” “Kailangan ko ba ng opinyon mo!! Alam mo kung ikaw lang talaga yung bestfriend ko .. matagal na kita sinipa-sipa.” “Well, lucky for me I am not your friend.” Sabi niya na may halong isang mapang-asar na pa-cute na ngiti. “And lucky for me we will never be friend!” “Guys tama na. Jen kakain ka ba hindi?” “Kakain.” “Mark! Manahimik kana.” “Tss.” nag-sout si Marco ng headphones. Kumain na ako. Napapansin kong yung driver kanina pa tingin ng tingin dun sa labas. Bakit kaya? “Tol, sabihin mo kay Ma’am Janica mala-late ng paghatid sa kanya. Nandyan na naman sila.” Kanina pa pala nakatigil yung sasakyan. “Lalabas ako. Jen wag kang lalabas ah! Mark wag mo siyang papalabasin!” lumabas si Jonathan. “Anu ba naman yan!” Binuksan ni Marco yung kabilang pinto. Anong meron? “Pare tulungan natin si Jonathan! Takte pinagtutulungan siya!!” “Tara!!” Lumabas silang dalawa. “Anong gagawin ko dito? Hoy!!” Hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Biglang may pumarada na motor sa harap ng sasakyan. All black si Kuya. Lumapit siya sa kotse. Hala kinakabahan ako! Tug. Tug. Tug. “Labas na dali!!” “Ha?” “Sabi ko lumabas kana!! Bilisan mo!!” “Ba—bakit?” Binuksan niya yung pinto tapos hinatak ako palabas. Hatak po. HATAK. “Sakay na!!” “Sabi nila Jonathan hindi ako ..” “Sabing sakay!!” Sungit naman nito. Sumakay na ako. Hindi ko alam kung saan ako hahawak sa tiyan niya ba o sa likod? Tinanggal niya yung helmet niya. “Oh soutin mo!!” “Ha?!” “Bingi ka ba o sadyang tanga lang! Kailangan ko pa ulit-ulitin sayo lahat ng sasabihin ko.” Makapagsabi naman ng tanga! Kala mo naman matalino! Sinout ko na yung helmet. Humawak na lang ako sa balikat niya. “Okay na!” “Kumapit kang mabuti.” “Kaya ko toh!” Bigla niyang pinaandar yung motor alam mo yung parang hihiwalay yung buto mo sa balat mo. “Dah....an-da ...h...an nama..a..an.” Alam mo yung tumataas-bumababa yung tono ng boses mo. Hahaha!! Ang saya!! Kahit medyo nakakatakot. “Ha? Anong sinasabi mo?” Hindi niya siguro ako naririnig kasi nadadala nung hangin yung mga salita ko. “Wa—wala ... Hoy magre-red light! Hoy!!” Hinahampas ko yung balikat niya sabay turo dun sa traffic light. “Kaya yan!” Bumwelo siya tapos pinaandar yung motor. Sana walang CCTV dito. Sana walang CCTV dito. Sana walang CC— “OHA!” tumigil siya dun sa may bangketa. Tinignan ko yung traffic light. Red na! Naku! Sana wala talagang CCTV dun. “Nga pala. Nathan Castrillo ang pangalan ko .. Ikaw?” “Jennica Mae Tolentino.” *shake hands* “Tara pasok na tayo!” “Paano sila Marco?!” “Dala naman nila yung kotse ni Yves! Kaya nila yun!” Yves? Sino yun? Ang astig ng pangalan ah! “Tara na!” Hinila naman niya ako. “Teka paano yang motor mo??” “Aasikasuhin na yan ng mga butler dito.” “Butler?” “Oo may butler dito.” At ngayon ko lang napansin na nasa tapat na kami ng gate KIS. “Kuya pabukas ng gate!” “Sorry sir!” binuksan ni Kuya yung gate tapos yumuko siya sa harap ni Nathan. “Late na ba kami?” “Opo sir atsaka kanina ka pa inaantay ng Mama mo.” “I’m not her son.” Biglang nagbago yung tono ng boses tapos umalis na siya. Saya niya ah! “Miss dun yung classroom niyo.” “Alam ko po .. salamat na lang po.” Nag-lakad na ako papunta dun sa classroom namin. Para talagang nasa Seoul ako. Malamig yung ihip ng hangin tapos kahit hindi ako nakapunta sa Seoul parang yun yung amoy ng simoy ng hangin. Ang ganda talaga! Sayang nga lang wala ng mga babae dito. Anong connect?! Ahaha XD Ito na. Aapak na ako sa Hallway nila. Sheesh! Kinakabahan ako! TUG.TUG.TUG. Ito na. Ito na— “Jen!” ano ba yan! Naudlot pa! Lumingon ako sa likod ko. Si Nathan! Akala ko ng iwan siya! “Ano?” “Sched mo! Papasok ka hindi mo alam sched mo!” Sorry naman! Inabot niya sa akin yung schedule ko. Room 3-1 1. English 2. Filipino 3. Chemistry 4. Geometry 5. Break (1 hour) 6. MAPEH 7. TLE 8. Swimming Lesson 9. Voice Lesson 10. Class Dissmissal Swimming Lesson at Voice Lesson? Ibig sabihin may swimming pool dito? Aba malamang! Alangan naman sa shower mag swimming lesson. ( -___- ) “Nice sa building 3 ka!” “Saan yun?” “Tara hatid kita.” Napansin niyo ba? Kasi ako may napansin ako eh! Palagi na lang nila sinasabi na tara! Wala na bang ibang words?! “Jen! Marunong ka kumanta?” “Ewan ko.” “Bakit ewan ko?!” “Hindi ko pa na-try kumanta.” Dahil sa ayaw kong bahain yung bahay namin. “Kanta ka nga.” “Ayaw ko ..” baka mangyari na naman yung dati. *Flashback* “Nica alis na kami!” “Antayin niyo ako!” “Baka bukas ka pa matapos niyan!” Lumabas na sila. Ang babait talaga ng mga kaibigan ko. Purket mabagal lang ako mag-sulat iiwan na nila ako! Oh yan tapos na ako! OA naman nila! Bukas! Kala naman nila! Sipain ko sila! Niligpit ko na yung mga gamit ko sa locker ko. *Bzzzt Bzzzt* From: Papa Nica pupuntahan kita dyan sa School niyo ah. Antayin mo ako sa room mo. Baka kasi umulan. Yehey susunduin ako ni Papa! Libre ang pamasahe ko! Yehey! Biglang may naisip akong kanta. Everytime We Touch by Cascada Ayun kumakanta na nga ako. Dahil sa mag-isa naman ako. Bibirit ako. “Cause(piyok) .... Ayyy!!” Biglang kumidlat tapos umulan ng sobrang lakas. Ayy Bastusan lang!! “Ahahahahaha!!” Ha? May tao? Lumingon ako sa likod ko. May tao nga! Lalaki! Kaso hindi ko naman siya kaklase. “Bakit ka tumatawa?” “Kasi .. Ahahaha ... ang pangit ng boses mo! Ahahaha” tapos tumawa na naman siya. “Sama naman ng ugali nito!” “Anu ba yan! Wag ka na nga kumanta! Wala pa naman akong dalang payong!” sabi niya. Sama talaga ng ugali niya. *End of flasback* Yun ang dahilan kong bakit hindi ako kumanta! Hindi dahil dun sa pang-aasar niya kaya ako hindi kumanta, dahil dun sa ulan. Naalaala niyo yung Ondoy yun yung araw na kumanta ako eh. Di ba?! Masyadong pangit yung boses ko!! “Dito oh.” Binuksan niya yung pinto. “... Understand?!” sabi nung teacher. Mukhang nagalit! Atsaka ang tahimik nila. “Sir ..” “ANO?!” Ayy high-blood si Sir?! “Sorry iho. Ano kailangan mo?” “Nandito na po yung bagong pasok na estudyante!” “Hi po sir.” Bati ko sa kanya. Taasan ba naman ako ng kilay. Bakla toh si Sir! Naiingit sa beauty ko! Ahahaha XD “Dun ka umupo sa likod.” “Sa likod talaga? Hindi ba pwedeng sa upuan?” Tumawa silang lahat. Anong meron? “Dahil bago ka hindi muna kita paparusahan!! Umupo ka sa pinaka-dulong upuan!” Ano ba sinabi ko?! Wala naman ah! Umupo na ako. Nakatayo pa rin dun si Nathan. “Excuse me Nathan? Hindi ka pa aalis? Nakakadistorbo ka kasi sa klase ko!” “Sorry prof! Jen! Sabay tayo recess ah!” sigaw niya. Paano kung ayaw ko?! Lumabas na siya. Ilang oras din yung tumagal matapos yung subject ni Sir .. ano nga pangalan niya? Ano ba yun?! Pang-babae pa nga yun! Adreatico Paul! Yun! Pang-babae noh? Sabi niya tawagin na lang namin siyang Paul! Professor Paul! Ang arte nga niya eh! Ayaw niya ng Sir gusto niya Prof! Ang arte!! Tapos terror pa siya! Para sa akin! Pero mukhang mabait naman. Mukha lang hindi naman ata totoo. Ngayon nag-aantay ako .. I mean nag-aantay kami ng next teacher. Tinignan ko ulit yung schedule ko. Room 3-1 1. English 2. Filipino 3. Chemistry 4. Geometry 5. Break (1 hour) 6. MAPEH 7. TLE 8. Swimming Lesson 9. Voice Lesson 10. Class Dissmissal Meet me at the gate! On break. Huh? Sino toh? Binaliktad ko yung papel. Wala namang nakasulat na pangalan! Kanino kaya galing toh? Para sa akin ba toh?! “Marco!” No! No! No! Hindi ko sana siya kaklase! Lord ple— “Bakit ka late? Buti hindi ka hinanap ni Panot!” Ang sama! Panot po kasi yung professor namin! Ahaha XD “Napag-tripan lang sa daan.” Umupo siya sa tabi ko. “Magkaklase pala tayo!” “Malas nga eh!” “Mag-aaway na naman kayo!” Tumabi naman sa akin yung Andrew. Yung driver dun sa limousine. So ganun?! Ako yung gitna nila! “Hi Jen!” may lalaking umupo dun sa harap ng desk ko. “Ako si John Michael Marasigan!” Inabot niya sa akin yung kamay niya. “Kilala mo na siya!” “Sama talaga ng ugali mo Marco!” “Tama ka po dyan!” “Sulsol mo naman!” lumingon siya sa akin tapos tinignan ako ng masama. Inirapan ko lang siya. Masama naman talaga ugali niya ah! Hindi marunong magsinungaling si Kuya Michael. “Tawagin mo na lang akong JM!” “JM okay!” Yan na! :3
Posted on: Thu, 24 Oct 2013 08:14:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015