Conversation started September 30 Hunyo Dhoz 9/30, 9:41pm Hunyo - TopicsExpress



          

Conversation started September 30 Hunyo Dhoz 9/30, 9:41pm Hunyo Dhoz 09059041451 ito poe sir Tuesday Dondon Biagtas 10/22, 10:13pm Dondon Biagtas BAKIT KAILANGAN NG BARANGAY 142 ANG ISANG CHRISTINE “NENG” BIAGTAS NA MAGING PUNONG BARANGA? SINO BA SI NENG BIAGTAS Ako po si Christine “Neng” Oliver Biagtas, 37 yrs old, nakatira sa 19-C Mansanas St, Barangay 142, Caloocan City. Ang aking ama po ay si Castor Oliver na taga Cebu ang aking ina ay si Purita Araojo Oliver na tubong Bicol. Dito na po ako sa Barangay 142, nagkamalay, lumaki at nagkaroon ng sariling pamilya. Ang aking naging katuwang sa buhay ay si Dondon Biagtas, 40 yrs. Old, isang empleyado sa Mababang Kapulungan ng Pilipinas (House of Representatives) magmula ng taong 2002 hanggang sa kasalukuyan, taga pangasinan ang kanyang ama, kapampangan naman ang kanyang ina., Nabiyayaan kami ng tatlong malulusog na anak, Si Steven Andrei 17 yrs old, nasa kolehiyo, kumukuha ng kursong BS in Physical Theraphy, sa Manila Central University (MCU) Caloocan Campus, si Enrico Charles 11 yrs. Old, Grade 6, at si David Adrian, 6 yrs. Old, Grade 1, parehong mag-aaral ng University of the East (UE), Caloocan Campus. ANO BA ANG KANYANG KAKAYAHAN O EKSPERYENSA SA PAGLILINGKOD? Nakapag silbi na po ako ng halos 9 na taon dito sa ating barangay, 3 taon bilang SK Kagawad, at ngayong kasalukuyan ay nasa pang anim at huling taon na sa aking ikalawang termino bilang Barangay Kagawad. Sa awa ng Dios at pagmamahal nyo ako po ay nahalal sa tatlong eleksyon na aking pinagdaaanan na laging top notcher (No. 1) at may malaking agwat ng bilang sa sinumang pumapangalawa sa akin, nagkakataon din na mas malaki pa nga ang bilang ng aking boto sa nananalong punong barangay. Noong nakaraang eleskyon ng tumakbo sa pagka alkalde ang nooy Congressman Oscar “Oca” Malapitan, akoy kanyang hinirang bilang kanyang District Manager (DM) dito satin sa unang distrito, pinagtiwalaan ng napakalaking responsibilidad, humawak ng maraming tao, kasama sa mga nag papasya sa mga polisiya ng kanyang kandidatura. Sa tulong ng Poong Maykapal at tiwala ng mamamayan ng Lungsod Caloocan, napagtagumpayan natin ang ating minimithing pagbabago, nailuklok si Oscar “Oca” Malapitan bilang Alkalde ng Lungsod ng Caloocan. BAKIT NAISIPAN NA NI NENG BIAGTAS ANG TUMAKBO BILANG PUNONG BARANGAY? Bukod po sa kagustuhan kong makatulong sa mas malawak at sa mas malalim na kaparaanan. Ang ating Mayor Oca Malapitan po ang naging daan kung bakit napagpasyahan kong lumahok na sa mga pag pipilian bilang punong barangay, ng minsan kasing nagkaroon kami ng masinsinang pag uusap, ay nagpasalamat sya sa aking naging partisipasyon sa kanyang kandidatura, napag usapan din namin ang naging resulta nilang mag ama sa ating barangay, hindi naman lingid sa inyo na nag landslide si Mayor Oca dito sa ating barangay at bagamat hindi pinalad si Along sa pangkalahatan, lumamang naman sya ng humigit kumulang tatlong daan dito sa atin, yan ay dahil sa pagtitiwala at suporta nyo mga kabarangay. Hangang sa napadako ang aming usapan tungkol sa paparating na halalang pambarangay,, napag-usapan din namin ang kasalukuyang sitwasyon ng ating barangay, ang talamak na nakawan, naglipanang mga illegal na bisyo, ang mga batang pakalat-kalat sa dis-oras ng gabi at iba pang maseselan at nakapanlulumong kalagayan ng ating barangay. nabanggit din nya na bakit hindi nalang daw ako ang tumakbo dahil mas maganda raw na ka alyado nya ang uupong punong barangay, para daw hindi na sya mahirapan sa mga ipapatutupad nyang repormang pang barangay ganon din para sa maayos na implementasyon ng kanyang mga proyekto, kesa naman daw maghanap pa kami ng susuportahang kandidato, na nasa labas ng kanyang pinakikipaglabang pagbabago. Kasabay ang isang paalala na dapat laging una ang kalagayan ng aking mga kabarangay sa anumang pagpa-pasyang gagawin ko. Pagka uwi ko ng bahay ay agad kong kinunsulta ang aking pamilya, makalipas ang ilang araw ang mga malalapit na kaibigan naman at ilang mga taga suporta ang hinigan ko ng payo, hanggang sa dumating na nga ako sa pagpapasyang sundin ang suhestyon ng ating mahal na mayor, na lumahok na nga sa mga pagpipilian para sa pinakamataas na posisyon dito sa ating barangay, kasama na rin po sa sina-alang-alang ko ang mga sumusunod pang mga kadahilanan: 1. Mas magiging maayos at maganda ang relasyon kapag ang punong barangay at mayor ng lungsod ay magka alyado. madali kong mailalapit sa ating ama ng lungsod ang inyong mga hinaing at mga pangangailangan. isang pagpapatunay ang sasakyang binigay nya sa inyong lingkod na halos dalawang (2) taon ko ng ginagamit. At marami na ring mga kabarangay ang nakinabang dito. Sa aking termino iko-convert ko ito bilang Barangay Patrol ng sa ganon ay mapalitan na yung sirain nating patrol, na dahil na rin siguro sa katandaan, kung minsan na kailangang-kailangan mo sya saka mo naman hindi mapakinabangan. 2. Diretso kong malalaman kung anu-ano ang mga proyektong ibababa sa mga barangay, madali kong ma i-schedule ang ating barangay ng sa ganon ay mauna na tayong makinabang sa mga proyektong ito; 3. Majority ng hepe ng mga mahahalagang departamento sa Caloocan City Hall ay mga kaibigan ko. Madali akong makakapag follow-up ng mga request, communications at mga pangangailangan ng ating barangay. 4. At higit sa lahat panahon na po para naman ilapit ko ang mga taga Barangay 142 sa City Hall, panahon na po para naman makinabang ang ang mga karaniwang tao sa mga biyaya galing sa City Government, hindi gaya ngayon na iilang tao lang ang nagtamasa dito. papayag pa ba kayong sa susunod na tatlong taon sila-sila na naman? Sabi ko nga po sa aking mga taga suporta panahon na para tamasahin ng mga taga barangay 142 ang bunga ng aking pagsisikap, biro ko nga po sa kanila si Neng Biagtas ang nagsaing buong barangay ang kakain. ANU-ANO BA ANG MGA PAGBABAGONG GUSTO NYANG GAWIN SA BARANGAY 142? 1. Para sa ating mga Senior Citizens, Pagtutuunan ko ng pansin ang mga napapabayaan nating mga nakatatanda sa ating barangay, aatasan ko ang magiging Chairperson ng Committee on Health at ang Barangay Health Worker na mag conduct ng weekly monitoring sa kanilang mga kalusugan ng ating mga nakatatanda, sila mismo ang magsasadya sa kanilang mga tahanan para alamin at makita ng personal ang kanilang mga kalagayan at ng sa gayon ay magawan kagad ng kaukulang aksyon ang kanilang mga pangangailangan. Hindi na natin hihintayin pang kung kailan malala na o pagka minsan ay huli na, don palang magbibigay ng tulong ang barangay. 2. Para sa mga kabataan, gagawa ako ng mga proyektong makakapagbibigay sigla sa inyo, pag iibayuhin ko ang mga palarong pampalakasan ng sa gayon ay makaiwas kayo sa mga naglipanang bisyo ng lipunan. Makikipag ugnayan ako sa mga barangay na nakakasakop na may covered court upang mapakiusapan na kung maari ay maglaan ng isang araw bawat lingo para kayo ay makapag laro at dahil na nga sa kakulangan ng maluwag na espasyo sa ating barangay, ipapakilala at bibigyan ko ng prioridad ang mga indoor sports katulad ng table tennis, board games/mind games at iba pang kahalintulad na laro, Hihilingin ko sa city government na mapagkalooban tayo ng mini library na may WIFI, para naman meron kayong tahimik na lugar na maaring puntahan kung gusto nyong mag-aral ng leksyon, magbasa ng mga libro at mag brows ng libre sa internet. 3. Peace and Order: • Para ganahang gawin nga mga tanod ang kanilang mga trabaho aatasan ko ang Chairman ng Komite on Peace and Order na gumawa ng hakbang kung paano sila maipapasok sa programa ng PHILHEALTH at SSS, pag aaralan din namin na madagdagan ang kanilang natatangap na monthly allowance, at ganon din ang pagbibigay ng iba pang mga benepisyo, para naman kahit papaano ay makasapat ng konti sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Bilang tagabantay at tagapag patupad ng batas sa ating barangay, marapat lamang na bigyan din sila ng sapat na kompensasyon. Regular din akong makikipag ugnayan sa mga may awtoridad para sa maayos na samahan ng barangay at pulisya; • Magpapakabit ako ng telepono sa Barangay Hall upang madali kayong makahingi ng tulong kapag mayroong emergency situation, maglalaan din ako ng isang Celphone no. kung saan kayo pwede mag txt o tumawag para sa madaling access sa barangay. gagamitin ko rin ang makabagong teknolohiya ng internet (facebook, yahoo mail at iba pa). para mabilis at komportableng nyong maipahatid ang inyong mga suhestyon, opinyon o kaya’y magbigay ng paalala kung nagkukulang o nagiging pabaya na kami sa aming mga tungkulin; • Paiigtigin ko ang pag roronda ng mga tanod lalo na sa gabi, upang magbantayan ng husto ang mga lugar na kilalang pinang gagalingan ng masamang bisyo. dahil ang aking paniniwala ang isang pamayanan na visible ang mga na-ngangalaga sa katahimikan, ay nawawalan ng puwang ang mga taong gustong maghasik ng kaguluhan dito. • Hihilingin ko rin sa pamunuan ng PNP sa Caloocan, na kung maari ay mag karoon ng Police Community Precint sa ating barangay, particular sa lugar kung saan nakalagak ngayon ang mini outpost na nasa sa gilid ng Bagong Barrio National High School. Sayang po kasi ang istrakturang ito dahil hindi naman napapakinabangan. Hindi lamang ito para sa atin at sa mga karatig na baarangay, kundi maging sa mga mag-aaral na pumapasok sa nasabing paaralan; • Mahigpit kong ipapatupad ang matagal ng batas ng lungsod (curfew) na pinagbabawal ang pag-gala ng mga may edad 18 yrs old pababa sa dis oras ng gabi, upang maiwasan ang pakalat-kalat ng mga kabataan lalo na yung mga dayo lang sa ating barangay. paminsan kasi ito ang pinagmumulan ng gulo at ng sa ganon din ay matahimik ang kalooban ng ating magulang. 4. Para sa mga kababaihan, ipaglalaban ko at pangangalagaan ang inyong mga karapatan, iingatan kong lalo ang inyong mga kalusugan, dahil bilang isa din babae lalo na’t isa na ding ina, sa ating bokasyon ay bawal na bawal ang magkasakit, dahil kapag ang ilaw ng tahanan ay hindi nakapag function ng maayos magiging madilim ang buong kabahayan, at pag ito ang nangyari apektado lahat ng myembro ng pamillya. Aatasan ko ang Barangay Health Worker na i-monitor ang mga kalagayan ng mga kababaihan sa ating barangay lala na yung mga nagdadalang tao, babantayan sila kung nabibigyan ba ng tamang pre-natal care, lalo na yung mga kababaihang wala pa sa hustong edad at dumadaan sa depresyon. Magiging bukas din ang aking tanggapan para sa dialogo at payo, ako mismo ang haharap dito para ang mga problemang personal ay agad mapag-usapan. Ang nag sisimula palang kasing problema kapag naagapan at napag usapan kung pano ito pwedeng i-resolba ay naiiwasan ng hindi pa mapunta sa mas malalang pangyayari. bilang kapwa babae alam kong hindi sila mahihiyang mag pahayag sa akin, lalo na’t ang amin namang mapapag-usapan ay mananatiling amin lamang. yung mga kababaihang naabuso ng kanilang karapatan agad ko itong gagawan ng kaukulang aksyon o kaya ay ilalapit sa kinauukulang ahensya para mabigyan ng payong legal. Tututukan ko rin yung mga kababaihan na wala pa sa hustong idad na makikitang gumagala sa ating barangay agad ko silang kakausapin para malaman kung meron ba silang pinagdadaanan kaya sila nagkakaganito kung kinakailangang dalhin sila sa mga eksperto para sa child psychology ay aking gagawin. 5. Kalinisan at luntiang barangay- isa rin ito sa bibigyan ko ng prioridad, dahil kung inyong mapapansin maraming lugar tayong mga espayong hindi kaaya-aya sa paningin, palalagyan ko ito ng plant box upang mapag taniman ng mga halaman. Gagawin kong monthly ang pag lilinis sa mga open canal natin dahil ang baradong daanan ng maruming tubig ay binabahayan ng mga peste na sya namang pinanggagalingan ng ng ibat-ibang uri ng sakit, pag-aaralan namin kung pwede pang madagdagan ang ating clean and green brigade ng sa ganon ay maraming lugar ang kanilang masakop at mahabang oras ang kanilang mailaan para sa pag mi-mintena sa kalinisan at pag-alaga sa pagiging luntian ng kapaligiran sa buong barangay. 6. Kalusugan- Direkta ako makikipag ugnayan sa City Health Office para malaman ang programang kanilang binababa sa bawat barangay. Sisiguraduhin kong una tayo sa makikinabang dito. Madalas akong mag co-coduct ng awareness seminar para maipormahan ang ating mamayan kung gaano ba kalahaga ang kalinisan para sa ating kalusugan. Medical Mission isang beses isang buwan o madalas kapag kinakailangan lalo na sa tag-ulan dahil sa mga panahaong yan lapitin tayo ng karamdaman. Paglalaanan ko ng pansin ang magiging Barangay Health Worker sa kanyang mga pangangailangan para ng sag anon ay magampanan nya at ma implement ng maayos ang kanyang tungkulin. Hihilingin ko sa magiging konseho na magbalangkas ng mga polisiya o alituntunin kung paano maitataas ang antas ng kalusugan sa ating barangay. 7. Mga Ordinansang pangbarangay na aking hihilingin sa bagong konseho na bigyan nila ng prioridad upang maipasa: • Ordinansang nagtatakda na magkaroon ng “BARANGAY 142 SENIOR CITIZEN’S WEEK” isang buong lingo, bawat taon ng selebrasyon, pagkilala, at mga programang naayon sa ating mga nakatatanda. • Ordinansang nagtatakda na magkaroon ng “BARANGAY 142 YOUTH WEEK” isang buong linggo din ng mga programang para naman sa ating mga kabataan, ng sa ganon ay maramdaman nila na mahal at nagmamalasakit sa kanila ang pamayanan, upang muli ay kanilang maisa-buhay ang kataga ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal na nasa “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” • Hihilingin ko rin na pag aralan kung paano makakapag balangkas ng mga ordinansa patungkol sa pangangalaga ng kalinisan, kaayusan at katiwasayan sa ating barangay. 8. Ang lahat ng ito ay hindi ko naman kayang gawin mag-isa kailangan ko ang inyong suporta at pagtitiwala, lalot higit kailangan ko ng makakasama, kaya po inilalapit ko sa inyo ng buong puso na suportahan nyo din, ang mga taong tutulong sa atin para makamtan ang matagal na nating inaasam na “BAGONG BARANGAY 142”. sila po ay sina KAGAWAD GARY CAPILI, BOYET GABRONINO, DAVID PASCUA, DARIUS SIATAN, BOYET “Printing” BIRON, GLO MANALO at MARICHU PANTANO. Asahan nyo po na kami ay magsisilbi ng TAPAT, MAGALANG, may PANININDIGAN, may TAKOT sa Dios, at higit sa lahat asahan nyo po na sa aming termino laging “KAYO ANG UNA”.
Posted on: Wed, 23 Oct 2013 08:08:35 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015