DotA? Real talk. Kung maibabalik ko lang ang panahon, sana di - TopicsExpress



          

DotA? Real talk. Kung maibabalik ko lang ang panahon, sana di nalang ako natutong magdota. Di ko nalang sana nalaman ang larong yan. Dahil sa dota natuto akong magmura. Dahil sa dota lage akong napupuyat. Dahil sa dota madaming nagttrashtalk at nagsasalita ng masakit sa akin. But the same thing means na di ko natutunan ang TEAMWORK, COOPERATION, SACRIFICE, STRATEGY at SOCIAL INTERACTION. Kung di dahil sa dota di ko nakilala ang aking mga kaibigan na sa tuwing may problema ako ay nagmamalasakit sa akin. Kung di dahil sa dota di ko alam kung pano ako umibig at masaktan. Kung di dahil sa dota di ko makikilala ang taong nagpapasaya sa akin. Aminin man natin o hindi, ang sobrang pagdodota ay nakakasama. But who could blame sa mga taong nagpupuyat, sa mga taong ginawang trabaho ang larong ito, sa mga taong nahubog ang pakikipagrelasyon sa kapwa dahil sa dota. Naiintindihan ko na pala ngayon kung bakit sila ganyan. Hindi ko lubos maipaliwanag ang pakiramdam pero nadarama ko ito sa tuwing naglalaro. Sa bawat ngiti dahil sa maraming kills at Godlike. Sa bawat kunot ng noo tuwing naGAGANK at nababaog. Sa bawat pagkainis dahil sa maling galaw ng kakampi. Sa bawat saya tuwing mananalo at determinasyong makabawi tuwing natatalo. Naiintindihan ko na ang lahat. Di lamang siya ordinaryong laro.
Posted on: Thu, 05 Sep 2013 12:43:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015