Eto, ang sarap sana pakinggan di ba.....pero mabilis paikutin ang - TopicsExpress



          

Eto, ang sarap sana pakinggan di ba.....pero mabilis paikutin ang mga sinasabi dito....katulad ng mga namumuno ng lungsod ngayon, Iglesia daw sya. kaya nanghihikayat siya ng mga empleyado para maging iglesia. Lalo na ang mga empleyado na hindi permanente. Tama po ba yan? Ano ba ang nakasaad sa pinanumpaan nya? "Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan sa sarili kong kapakanan;" - o di ba maliwanag. Nung hindi siya namumuno sa lungsod ng Olongapo, ganyan din ba siya manghikayat? di ba hindi. Parang may halong pananakot pa ang paanyayang ito kasi pag di sumama, di na marerenew ang contract ng mga kaawaawang mga empleyado. Pati sa pag iikot sa mga bawat departamento ng bawat opisina sa city hall, pag may nakita sya na larawan nang lumipas na kalaban sa eleksyon, pinapatanggal at minimemohan nya ito. Tama ba yun? nakasaad din ba yun sa batas? ipinasok nya sa trabaho ang marami nyang pinangakuan na tao kahit hindi naman civil service eligible at mga kaIglesia nya. Di naman mali tumulong pero sana wag nya gamitin ang kapangyarihan nya sa panunungkulan gaya ng nakasaad sa panunumpa na kanyang sinusumpaan. Papaano naman ang ibang nagsasariling sikap na mag apply? Unfair naman yun di ba? O, alam mo na kung sino ka-----HULIKA!!!
Posted on: Thu, 15 Aug 2013 07:52:41 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015