Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ng mga magulang natin na - TopicsExpress



          

Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ng mga magulang natin na iba na daw ang kabataan ngayon. Mahirap na daw itolerate. Kapag nagtanong sila ng ganito: Nanay/Tatay: Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Anak: Sa school po. Traffic po kasi kaya ako ginabi. Nanay/Tatay: Aba’t sumasagot ka na ngayon ha. Kailan mo pa natutunan yan? Anak: Sinagot ko lang po yung tanong niyo. Nanay/Tatay: Walang hiya kang bata ka. Di ka na marunong rumespeto. Bastos ka. Yan ba natututunan mo sa eskuwelahan? *Insert Sermon* Isa na yan sa halimbawang scenario. Bakit sinasabi nilang sumasagot na tayo sa kanila samantalang nagtatanong sila. Kapag nagtanong sila ng ganito at hindi mo sinagot: Nanay/Tatay: Saan mo dinala ang allowance? Bakit naubos? Anak: (Bumulong) Sa mga projects ko po. Nanay/Tatay: Kapag tinatanong ka, sumagot ka. Bastos ka ha. *Insert Sermon* Ang gulo din nilang kausap. Di naman masamang sumagot e. Wag lang pabalagbag. Baka hampasin ka ng tatay mo ng upuan o kaya naman lumipad ka na parang kay Peter Pan dahil inihagis ka na pala ng tatay mo palabas ng bahay niyo. Na-infinity and beyond ka tuloy. Okay lang masermunan. Pasok sa kanang tenga, i-process sa utak at ilabas sa kaliwang tenga. Ganoon na lang gawin mo. Ganyan ang mga magulang, mahal ka nila kaya sila ganoon ka-protective sa iyo. #5 Brooooook
Posted on: Tue, 22 Oct 2013 14:02:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015