Indian national sa Singapore, kulong matapos molestyahin ang hotel - TopicsExpress



          

Indian national sa Singapore, kulong matapos molestyahin ang hotel staff Posted by Bombo Nes Cayabyab Posted in International News Sunday, 03 November 2013 SINGAPORE - Hinatulan ng limang buwang pagkakabilanggo ang isang Indian national sa Singapore matapos nitong molestiyahin ang in-room dining staff sa 5-star hotel. Kinilala ang suspek si Sethuraman Thirumeni, dating management trainee sa naturang hotel, na nag-plead guilty sa akusasyon. Nabatid na hinaras ng suspek ang kanyang kasamahan sa pamamagitan ng paghila sa braso nito, sapilitang paghalik at paglamas sa dibdib nito. Sinasabing nagkunwari ang suspek na mayroon pang mga platong papahugasan sa biktima pero agad naramdaman ng nasabing staff na may ibang balak ang Indian national kaya nauwi ito sa pangha-harass sa kanya. Gayunman ay nagawa nitong makatakas sa suspek at agad nag-report sa pulisya. Napag-alaman na hanggang dalawang taon ang maximum penalty sa kaso ng dayuhan, maliban pa sa pagmumulta. (CNA) - See more at: bomboradyo/news/international-news/item/30056-indian-national-sa-singapore-kulong-matapos-molestyahin-ang-hotel-staff#sthash.ROnNWihq.dpuf
Posted on: Sun, 03 Nov 2013 11:00:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015