Iyan ang idol ko Rody Duterte ang pangalan! Kung may - TopicsExpress



          

Iyan ang idol ko Rody Duterte ang pangalan! Kung may kapangyarihan lang sana ako ay pahahalikin ko sa puwit ni idol Rody Duterte ang lahat ng mga politiko na allergic sa FOI Bill na ginawang negosyo ang politika na ngayon ay sobrang yaman na ang marami sa kanila dahil wala ng ginawa araw-araw kondi bantayan ang kanilang pagkakaperahan mula sa mga local na ala Janet Lim-Napoles na financiers/purchasers na kasabwat ng mga inilagay nila tulad halimbawa ng BAC (Bidingbidingans and Awards Committee) officers upang makabawi sa mga ibinayad nila sa boto ng mga TRAVO habang ang mga pobreng leader naman ng mga mamamayan na bumoboo sa TRAVO (Traditional Voters) na kasakasama nila sa trabaho o opisina ng gobyerno ay pilit na binubulag ng mga kasabwat nilang pastor sa mga salita ng Dios ng BIBLE (B-asic I-nstructions B-efore L-eaving E-arth) sa Moral Recovery Program (lawphil.net/executive/execord/eo1996/eo_319_1996.html or youtube/watch?v=alTbAG030Ic) upang huwang silang maging mausisa at mapaghinala. Sa Pilipinas ka lamang makakatagpo ng mga mamamayan na marami sa kanila ay TRAVO na paglilingkuran mo na ay kailangang suholan mo pa para ka iboto sa ano mang posisyon sa politika mula barangay kagawad hanggang sa pagkapangulo ng Pilipinas kaya pag may mga sakuna tulad ng dulot ng bagyong si Yoleng e pawang naka-nganga! Dahil ang mga politikong ibinoto nila ay abala sa pagbabawi ng perang ipinanuhol sa kanila. Para sa akin, walang kasalanan ang mga politikong ito kong sila man ay maging legal na kawatan ng yaman ng bayan na nagmula sa buwis na ating ibinabayad sa gobyerno. Kasalanang lahat ito ng mga TRAVO (Traditional Voters) at ng mga hindi nga nababayaran ang dangal ay ayaw namang bomoto tuwing election. Wika nga ni Robert H. Jackson: “It is not the function of our Government to keep the citizen from falling into error; it is the function of the citizen to keep the Government from falling into error.” Ang pinakamasakit sa lahat ay ang malalaman mong may mga regular na impleyado ng gobyerno na nakikitongpats din sa mga financiers / purchasers at nakikinakaw din ng yaman ng bayan kahit na wala naman silang karapatang bumawi sa ipinambayad nila sa mga TRAVO dahil hindi naman sila politiko na kumandidato. Nakalimutan na ng marami si Mother Nature na binuboo ng planetang Earth na sa pamamagitan niya tayo ay nabubuhay na patuloy parin nating sinisira hanggang ngayon. Tingnan ninyo ang mga kahoy na nagkalat na dapat sana ay nagsisilbing gubat. Iniasa na nating lahat sa God the Father na mukhang tao at ugaling tao na tila baga hinahanap pa ni Mayor Rody Doterte dahil hindi man lang ito nagparamdam habang pinapatay at winawasak ng bagyong Yoleng ang ilang bahagi ng Pilipinas. Hindi ba ninyo nahahalata? Inyong pakaisipin. Kapag may Dios na labis labis ang kapangyarihan para sa kanyang pangangailangan, siyempre may katapat itong Dios na mahina ang kapangyarihan kaya ito ay bingi at sinungaling tulad ng Dios ng mga demonyo (evilbible/Jesus_Lied.htm) na inimbento lamang ng mga sinaunang ganid na mga wais o marurunong na tao upang ipanakot para makontrol nila ang kalupaan, buhay at kaluluwa ng kanilang mapapaniwala. Wika nga ni Lucius Annaeus Seneca; ca. 4 BC – AD 65: Religion is regarded by the common people as true, by the wise as false, and by the rulers as useful. Paalala lang Po: Kapag ang MALI ay pinaniniwalaan na ng marami ito ay nagiging TAMA. Amen
Posted on: Tue, 12 Nov 2013 12:44:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015