Kullo nafsi dha, iqatul mawt Ito ang katutuhanang ibig kong - TopicsExpress



          

Kullo nafsi dha, iqatul mawt Ito ang katutuhanang ibig kong ipaabot Sa mga abala sa mundo at lubha nang nakakalimot Na saklaw taung lahat, ito ay walang gamut Mangyaring ang paksa ng aking tula Ang sinabi kong Ayah na sa Qur’an kinuha Isang simpleng kataga, na binabaliwa Ng lahat na halos ng nilikha ng Dakilang Allah Lahat ay abala sa paghahanapbuhay Ang iba ay mayaman na’y pakiramdam nila ay salat at kulang pa Ang iba nama’y sa katanyagan abala Ang iba’y ibig sungkitin ang mga korona Sukdulang pumatay at manakit ng kapwa Sukdulang sirain mga nasyon at bansa Gayong ang di parehas na pagbabalita Ibinabato sa Muslim ang pagkakasala Pero teka,teka muna, baka malihis ang paksa Ang paksang tinatalakay , Dunya at ang Akirah Dahil ito naman ang buod ng kinuhang “AYAH” Na kinakalimutan na at kailang ipaalala Asan ang tagumpay kung inaagnas na Asan ang iyong yaman,di mo ito madadala Asan ang katanyagan at kapangyarihang pinagsikapan Walang ibig sumama sa hukay kahit ang iyong pamilya Ang tanong,handa ka na ba kung sau na nakatoka Ang salatul Janaza at sa di muslim ay balsama Ano ang iyong ginawa noong nabubuhay kappa Di ba at abala ka lang sa bagay na iiwan mo rin pala Kahil na sinong pinakamagaling na nilalang Walang ligtas sa itinakda nang Maylalang Kahit di pa ready, pag sundo ni kamatayan Kanyang babawiin ang buhay mo Amang. Ang mga sikat na tao, asan na ba sila ngaun Di ba at naagnas na at natunaw na sa panahon Kahit na dalubhasa ay daranas nang gay-on Maging matalino sa syensya, sa lupa rin ibabaon. Kahit mga Doktor na gumagamot sa maysakit Pag kamatayan na,di mapigil ang paglapit Kahit mga banal at santo ay di maipagkakait Na kapag oras mo na, mata mo ay titirik Kahit na nga si Einstien na isang matalino Hindi natuklasang mapanatili ang buhay sa Mundo Hindi naimbento ang gamut para ditto Sapagkat nakatakda kahit sa sino mang tao. Ang tanong ito na handa ka na ba Urong o sulong, laban ba o bawi na Deal or no deal , Game ka na ba? Tiyak na pagsundo, ang pagpili ay WALA. Ang tanong handa ka naba kapag oras mo ay anjan na? Masasagot mo na ba, katanungan ng dalawang Anghel na itinalaga Gaano ka ba namuhay at inano mo ang biyaya Ito ba ay ginamit mo sa kapakanan ng Allah? Gaano ka nakitungo sa iyong pamilya Ano ang trato mo sa kaibigan at kasama Nagging madamot ka ba, sa iyong kapwa O mapagbigay ka ba, dahil sa takot kay Allah? Isinabuhay mo ba, ang iyong Shahada Sumaksi nga sa salita ngunit ito ba ay isinagawa? Ang takdang pagdarasal ay ginampanan mo ba? Ikaw ba’y nagpatirapa sa iisang (Allah)Dakilang Tagapaglikha? Ang iyong Zakah, ay kumpleto ba? Ang panlalamang sa kapwa, sa iyo ba ay wala? Pagdating ng Ramadan, nagaayuno ka ba O baka imbis na magtiis,ang hawak ay Ginyebra? Ang panglima sa Haligi Ang paglalakbay sa Makkah Upang ganapin sigaw ni Abraham na Propeta Isa itong paanyaya na ating dapat isagawa Ngunit kung di kaya ay di ka inuobliga. Pagdating ni Malaikal Mawt, upang hugutin ang kaluluwa Iyon ang kaganapan ng napili kong Ayah Di ka na pwedeng magsabi ng “TEKA MUNA” Ang paki-usap at Time first, sa oras nay an ay WALA NA!
Posted on: Mon, 11 Nov 2013 02:59:13 +0000

Trending Topics




© 2015