LAUGH TRIP!!! How to pass bad news? Joemar: Hello, boss si - TopicsExpress



          

LAUGH TRIP!!! How to pass bad news? Joemar: Hello, boss si Joemar po ito, yung katiwala nyo sa mansion. Anthony: O, napatawag ka? Joemar: Ibabalita ko lang po sana sa inyo na patay na yung alaga nyong parrot. Anthony: Si Pikoy? Yung nanalo sa birdshow? Bakit namatay? Joemar: Nakikain ng bulok na karne ng patay na kabayo. Anthony: Anong patay na kabayo? Joemar: Yung mga import na kabayo nyo sir, namatay kakahila ng kariton ng tubig. Anthony: Kariton ng tubig? Para saan naman yung tubig? Joemar: Para sa sunog po. Anthony: Diyos ko! Anong sunog? Joemar: Yung mansion po, sumagi po kasi yung kurtina sa kandila, kaya yun, kinain ng apoy. Di na napigilan. Anthony: Para san ba yung kandila? May kuryente naman dyan. Joemar: Para sa burol po.. Anthony: BUROL?! Sinong namatay? Joemar: Yung nanay nyo po. Dumating po kasi nung isang gabi ng walang pasabi. Akala ko magnanakaw, kaya yun..nabaril ko. :)))))))))))) Magandang umaga uli... Makikiraan po...
Posted on: Tue, 08 Oct 2013 06:25:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015