LOL Usapang Telepono (c) Rakker Loko *Kring kring - TopicsExpress



          

LOL Usapang Telepono (c) Rakker Loko *Kring kring kiiiiirrrrrrriiiing* Totoy: Hello? Tatay: Hello Anaka si daddy to, anjan ba mommy mo? Totoy: Wala po daddy nasa taas po sa kwarto kasama si Tito Boy (Makalipas ang matagal na pag iisip) Tatay: Pero anak wala ka namang Tito Boy Totoy: Meron po, andun nga po sila ni Mommy sa taas sa kwarto (Sandaling pag iisip ng Tatay) Tatay: Ahh Okay sige, ganito gawin mo ha. Ibaba mo muna ang telepono dyan sa mesa at pumunta ka dun sa kwarto. Kumatok ka at sumigaw na kamo, "anjan po ang kotse ni Daddy nasa gate na!" O anak naintindihan mo ba? Totoy: Opo daddy, sandali lang po (Makaraan ang ilang sandali) Totoy: Nagawa kona po Daddy Tatay: Ano ang nangyari? Totoy: Natakot po si Mommy, lumabas ng kwarto ng hubot hubad at nagsisigaw, nadulas po sa katarantahan at tumama ang ulo sa dresser, ang daming dugo na lumabas sa ulo niua at parang di na po siya gumagalaw Tatay: Diyos ko po! Ano ba tong nagawa ko! Ang Tito Boy mo nasan na siya? Totoy: Sa takot po tumalon din sa bintana na hubot hubad, ang taas po nahulog sa swimming pool, dipo ba nilinis niyo kahapon yung tubig kaya yon tumama ang ulo ni Tito Boy sa tiles, parang lumabas po yung utak at di na rin gumagalaw (Matagal na nag isip ang Tatay) (Isip pa ulit) (Mas matagal na nag isip) Tatay: Teka anak, wala tayong swimming pool, sa apartment tayo nakatira, ang telepono bang ito ay 871-777-***? Totoy: Ay hindi po, wrong send po, dipo kayo ang Daddy ko... Ay mali!!!
Posted on: Sat, 05 Oct 2013 01:51:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015