Lalaking ikakasal na sana, patay matapos mabangga ng dumptruck sa - TopicsExpress



          

Lalaking ikakasal na sana, patay matapos mabangga ng dumptruck sa Ilocos Sur Written by Bombo Vigan Published in More News Monday, 16 September 2013 VIGAN CITY - Dead on the spot ang isang lalaki matapos maaksidente at mabangga ng articulated dumptruck at lumabas pa ang bituka nito sa bahagi ng national highway ng Barangay Sacuyya, Santa, Ilocos Sur. Nakilala ang biktima na si Michael Vincent Ramos, 22, residente ng Barangay Barbar San Juan. Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Vigan, sakay ng motorsiklo ang biktima at uunahan sana ang Mitsubishi Adventure ngunit huminto ito dahil ookupahan ng linya nito ang kasalubong na dumptruck na minaneho ni Rolando Viernes. Hindi namalayan ng biktima ang paghinto ng Mitsubishi Adventure at nahagip nito ang kanang bahagi ng sasakyan hanggang sa tumilapon ang biktima at bumagsak sa linya ng dumptruck na nagresulta naman ng pagkabangga nito. Namatay agad ang biktima dahil sa grabeng sugat at lumabas pa ang bituka nito. Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng pulisya ang driver ng dumptruck na tubong Francisco, Luna, Apayao. Sinasabing malapit na sanang ikasal ang biktima sa nobya nito. - See more at: bomboradyo/news/more-news/item/22719-lalaking-ikakasal-na-sana-patay-matapos-mabangga-ng-dumptruck-sa-ilocos-sur#sthash.YLKCBOl4.dpuf
Posted on: Tue, 17 Sep 2013 07:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015