Lihim Na Pagsinta by:SHEILA Chapter I "haist! napaka boring - TopicsExpress



          

Lihim Na Pagsinta by:SHEILA Chapter I "haist! napaka boring naman dito sa original na fb account ko, open ko nga yung isang account ko"sabi ni Meryl sa kanyang sarili. Si Meryl Bautista ay isang OFW sa bansang Dubai bente singko anyos, dalaga, chinita balingkinitan at maganda. Ilang saglit pa ay nabuksan na niya isa niyang fb account. 1friend request 1message 10notifications Una niyang tinignan kung sino ang nagfriend request sakanya. At walang iba kundi ang kamag-aral niya noong highschool pa siya. "ahh si Kennard Albano oh, laki naman na ng pinagbago hmm accept ko nga," bulong ni Meryl sa kanyang sarili. Sunod niyang binuksan ang nagmessage sakanya. "Hi Meryl, long time no see kumusta kana? Nasan ka?Umuwi ako last year sa province natin pero di kita nahagilap" message ni Kennard sa fb ni Meryl. "ok lang ako Kenn, nandito ako ngayon sa Dubai working as a DH. Ikaw kumusta na? Salamat pala sa pag add, buti nakita mo fb ko."reply ni Meryl. "walang anuman Meryl, salamat din sa pag accept ha, matagal ko na nga sinesearch pangalan mo dito sa fb eh, napakahirap hanapin pero :) ang saya ko nahanap ko rin" reply ni Kennard. Nagtataka si Meryl sa mensaheng yun ni Kennard, ganun pa man ay dinedma na lang niya ang huling sinabi niya. Baka masaya lang kasi syempre magkamag-aral sila noon. Ayaw niyang mag-assume masyado. Asa pa siya noh. "ah Kenn logout na ako dito ha, tinignan ko lang kasi kung may notif.at message ako dito eh boring kasi sa isa." si Meryl. "ahhhh, so you mean may iba ka pa na account?"reply ni Kennard. "yup meron pa, madalang ko lang gamitin to pangmasid sa mga multo ng buhay ko"bitter na biro ni Meryl kay Kennard. "uhyyy! bigay mo naman isa mong account oh please, para lagi na tayong may communication, at sino naman yang multong sinasabi mo haha, ikaw talaga di ka pa rin nagbabago ha" pagmamakaawa at natatawang reply ni Kennard. "ok hmmm search mo na lang ang name na to "Ako Si Buday" reply ni Meryl. "haha ayos pangalan mo ah, itong account mo ang pangalan mo eh "Ako ay ako" yung isa naman "ako si buday" reply ulit ni Kennard. "hmp, oo mas ok yun para hindi masearch ng mga amo ko fb ko noh, mamaya makita pa nila mga picture post ko tapos mga status post ko patungkol sakanila, fatay ako pag ganun, hindi nila alam eh na may account ako sa fb. Sige na bye na doon na lang tayo chika chika bye" pamama alam ni Meryl. Nag logout na nga si Meryl doon at naglogin sa original niyang account. Laking gulat niya pagka login niya at automatic na de baterya na de lati, kasimbilis ng kidlat ang kulog. Nag send agad ng friend request si Kennard. "Huh! Nakakagulat naman toh haha" natatawang sambit ni Meryl sa kanyang sarili." "Hi Meryl, im here hehe thanks sa accept ulit"chat ni kennard pagka accept ni meryl sa request niya. "hoy, ulong sira nakakagulat ka ha haha" reply niya. "hehe pasensya na, gusto lang kasi kita,,,,,,,,, ahhhh i mean gusto kita makachat. Ibang iba kana Meryl ha mas lalo ka gumanda, sumexy at pumuti, pang american model ang dating mo. Hindi ka nga mapagkakamalang katulong ka lang jan sa Dubai ehh." si Kennard. "huhhh! Makapang bola ka naman ha wagas, tusukin ko ng barbecue stick mata mo eh, kung anu-ano nakikita mo ha, di naman totoo. Pinapalaki mo lang buhok ko oh haha" natutuwang reply ni Meryl. "hindi yun bola Meryl ball lang, totoo yun, nagbago man ang iyong anyo pero ugali mo hindi hehe, ikaw parin si Meryl Kalog pizzzzz ganda" si Kennard. "oo na thanks nalang mamaya bawiin mo pa. Naku naku hirap nanaman shampuhan buhok ko oh humaba ng isang pulgada" si Meryl. "he sira, ahm kumusta pala lovelife mo ngayon" tanong ni Kennard. "ahh lovelife ba kamo? Ano yan nakakain o naiinom?" balik tanong ni Meryl. "nararamdaman, hmpppppft uhy seryoso nga kumusta lovelife mo sabi iihhh!" atat na atat na tanong ni Kennard. "abahhh makaseryoso wagas. Hmm well eto lovelife ko ay parang coke" biro ulit ni Meryl. "anong parang coke nanaman, ikaw talaga mahilig ka sa mga pick-up line" si Kennard. "ahy hindi alam, feeling inosente ang peg. Parang coke, i mean coke zero, sugar free.. Uffff" si Meryl. "hahaha dami ko tawa mga trenta yun pala yun. Ohh anyare bakit zero? Sa ganda mong yan imposibleng coke zero ka?"reply ni kennard. "hmp, bakit lahat ba ng pangit walang lovelife? Porke ba may itsura kelangan dapat may bf/gf?" seryosong saad ni Meryl. "sabagay may tama ka." reply ni Kennard. "ayun salamat naman tumama rin ako hehe, ikaw kumusta lovelife, siguro sampo na asawa mo at trenta na anak mo" birong tanong ni Meryl. "hwag ka nga, binatang binata ito. Magkaparehas lang po tayo na coke zero"reply ni Kennard. "ohooo! Yan ang impossible, na coke zero ka, sa itsura mong yan imposibleng coke zero, baka nga kaliwat kanan ang gf mo ehy" di naniniwalang reply ni Meryl. "oh kita mo to, kasasabi mo lang kanina na hindi lahat ng pangit wlang lovelife at di lahat ng may itsura may bf/gf" itutuloy
Posted on: Wed, 09 Oct 2013 07:45:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015