MAG-IIPON AT MAGTATAGO NG BARYA, IKUKULONG Ni Bernard Taguinod - TopicsExpress



          

MAG-IIPON AT MAGTATAGO NG BARYA, IKUKULONG Ni Bernard Taguinod Walong taong kulong at multang P300,000 ang kakaharapin ng sinumang mahuhuli at mapapatunayang intensyunal na nag-iipon at nagtatago ng mga barya. Ito ay oras na maging batas ang inihaing panukalang Anti-Hoarding of Philippine Legal Tender Coins Act of 2013 o House Bill 1662, na inakda ni Iloilo Rep. Gerry Trenas. Naniniwala ang mambabatas na ang pang-iipit ng mga coins ng ilang indibidwal ang sanhi ng nangyayaring kakapusan ng mga baryang panukli sa groserya, supermarket, palengke at maging sa maliliit na tindahan. “Hoarding of coins of any denomination is cau­sing an artificial shortage of small denominations of currency in the country, which is seen as the reason for the lack of small change in various establishments,” diin ni Trenas. Hindi lamang umano ang gobyerno kundi ang mga namimili ang apektado rito dahil laging kulang ang isinusukli sa kanila dahil sa kakulangan ng baryang panukli ng mga establisyimento. Dahil dito, tatargetin ng panukala, kung magi­ging batas, ang mga taong nagho-hoard ng mga barya o nagtatago ng coins na higit sa itatakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). abante.ph/issue/jul2813/news01.htm
Posted on: Sun, 28 Jul 2013 08:00:00 +0000

Trending Topics



alizado-He-who-fights-with-monsters-might-take-care-lest-topic-232779880214806">#Descentralizado He who fights with monsters might take care lest
News Updates: Syria releases female prisoners in hostage deal -

Recently Viewed Topics




© 2015