MISIS NI-WRESTLING SA BIBINGKA Ni Cherk Almadin Para pong - TopicsExpress



          

MISIS NI-WRESTLING SA BIBINGKA Ni Cherk Almadin Para pong ni-wrestling niya ako, kababae kong tao, lahat na po ‘ata ng lakas niya pinakawalan niya, pagkatapos pa po tinadyakan niya na naman ako at kinuha ‘yung mesa at ipapalo sa akin, kaya tumakbo na po ako.” Bugbog-sarado at halos hindi na makapagsalita ng maayos habang ikinukuwento ito ni Marisol Garcia, 30, kung paano siyang pinagbuhatan ng kamay ng mister na si Eric Garcia, 37, nang tanungin umano niya ito tungkol sa kinita ng kanilang panindang bibingka kamakalawa ng gabi. Naninirahan ang mag-asawang Garcia sa Lakas ng Marami St., Sangandaan, Caloocan City at dahil walang trabaho ang lalake ay naging hanapbuhay nila ang pagluluto at pagtitinda ng bibingka at iba pang kakanin. Kamakalawa ng alas-kuwatro ng madaling-araw, batay na rin sa pag-iimbestiga ni PO1 Sarah Julaton ng Women and Children’s Protection Desk, nang gumising ang biktima upang magluto ng kanyang mga ititindang kakanin ay ginising nito ang kanyang mister para tanungin kung nasaan ang perang pinagbentahan niya ng bibingka. Ngunit sa halip na sabihin kung nasaan ay sinagot siya ng kanyang mister na pera na umano niya iyon at wala nang pakialam ang biktima roon. Sa kabila nito ay pilit na kinukuha ng biktima ang kanyang pinaghirapang pera dahil sa kailangan niya rin bumili ng mga sangkap na gagamitin sa pagluluto ng mga panindang kakanin. Walang anu-ano ay pinagsusuntok siya ng asawa sa kaliwang panga dahilan upang matumba ang ginang. Nang nakabulagta na ang biktima dahil sa lakas ng suntok ay tinalon pa ito ng asawa at tila ba ni-wrestling na buong lakas na dinaganan ang tiyan gamit ang kanyang kaliwang braso at katawan. Hindi pa nakuntento at pinagsusuntok pa ni Eric ang kanyang misis sa magkabilang tagiliran at kaliwang dibdib. Kinuha pa umano ni Eric ang kanilang lamesa at ihahataw sana sa biktima subalit tumakbo na ito at agad na humingi ng saklolo sa himpilan ng police community precinct na malapit sa kanilang lugar. Agad ding rumesponde sina PO1 Glenn San Pedro at PO1 Perfecto Sendon, Jr., ngunit nang puntahan nila ang suspek ay wala ito sa kanilang tahanan. Kinahapunan ay napag-alaman nilang nasa Bgy. 74 pala si Eric at nakikipagsiyahan sa mga kaibigan, kaya’t agad nilang pinuntahan at inaresto na kusa naman sumama at hindi nanlaban. abante-tonite/issue/aug0213/crime_story01.htm
Posted on: Fri, 02 Aug 2013 03:30:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015