Marian, malaki ang chance sa Asian TV Awards! Ni Rose - TopicsExpress



          

Marian, malaki ang chance sa Asian TV Awards! Ni Rose Garcia Hindi na kami nagulat na si Marian Rivera ang nanalo sa katatapos na Star Awards for TV bilang Best Actress sa pagkakaganap niya sa role ni Angeline/Chantal sa Temptation of Wife. Remember, si Marian din ang na-nominate, along with Lorna Tolentino sa Asian TV Awards na for some reason, may malakas kaming pakiramdam na posibleng masungkit din ito ni Marian. ‘Pag nagkataon, maituturing talaga na maganda ang pagtatapos ng taong 2013 para sa Kapuso Primetime Queen. Ikalawang Best Actress trophy na ito ni Marian, nauna na rito ang nakuha naman niya sa Golden Screen TV para sa naging pagganap naman niya noon sa Amaya. Halatang masayang-masaya rin para kay Marian ang boyfriend nito na si Dingdong Dantes na kahit nasa Macau at kasama ng “boys” ng pamilya nila na nanood ng laban ni Manny Pacquiao kay Rios ay updated sa kaganapan sa kanyang “baby.” Nag-post agad ito sa kanyang Instagram account ng picture ni Marian na naka-Darna (o Wonder Woman?) costume pa na parang ang pahiwatig niya siguro na ito ang superwoman ng gabing ‘yun at may caption na, “O yeah! You nailed it! Congratulations to this year’s PMPC best actress. I’m so proud of you @therealmarian.
Posted on: Tue, 26 Nov 2013 10:04:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015