Mariing kinontra ni Alden Richards ang akusasyon ng ilan na - TopicsExpress



          

Mariing kinontra ni Alden Richards ang akusasyon ng ilan na ginamit lang diumano niya si Julie Anne Jose o kung sinumang na-link sa kanya upang umangat ang career niya. Pahayag ni Alden, “Gusto ko pong bigyan ng closure lahat ng kumukuwestiyon. In the first place, there was no courtship, walang panliligaw, wala kaming commitment ni Julie Anne. And sana po maintindihan nila. And I never used anyone. Wala po akong ginamit, wala po akong gagamitin. Wala po akong intentions na ganun. Mahal na mahal ko pong yung trabaho ko kaya hindi po ako gagawa ng isang desisyon para sirain ito.” PHOTO BY: NOEL ORSAL Inamin ng “GMA Primetime Prince” na si Alden Richards na in-unfollow niya sa Twitter at Instagram ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose. Ito ang nalaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa pocket presscon na inihanda ng GMA Artist Center para kay Alden kahapon, Hunyo 25, sa 17th floor ng GMA Network Center. Ang presscon ay para sa sunud-sunod na proyektong ginagawa ngayon ni Alden. Sino ba ang unang nag-unfollow sa kanila ni Julie Anne? “Ako po,” pag-amin ni Alden. Pagkatapos nito ay in-unfollow na rin daw siya ni Julie Anne. Ano ba ang dahilan ng pag-unfollow niya sa singer-actress? “Personal reasons po, e. Kung puwede po sa akin na lang,” iwas ng young actor. Hindi pa raw sila nagkakausap nang personal ni Julie Anne tungkol dito. Kahit daw kasi magkasama sila sa Sunday All Stars ng GMA-7 ay hindi naman sila nagkakausap. Paliwanag ni Alden, “Very busy kasi ang schedules. “Sa Sunday All Stars, bihira po kaming magkita. I never got the chance [to talk to her] talaga. “Talagang wala pong chance, kasi after po ng mga production numbers, umaalis po ako kasi I have prior commitments.” Kahit daw in-unfollow na nila ang isa’t isa, para kay Alden ay okay pa rin sila ni Julie Anne at itinuturing pa rin niya itong kaibigan. Pero paano niya mapapaniwala ang mga tao na okay sila gayong natural na impression at reaksiyon ng mga tao sa pangyayaring ito ay hindi sila okay? “Siguro nga po yun ang impression nila, pero let me keep it personal na lang po,” sagot niya. May plano ba siyang kausapin si Julie Anne? “Siguro po pag may time.” NEVER USED JULIE ANNE. Hindi naman ikinaila ni Alden na apektado na rin siya ng mga “violent reactions” sa social media ng ibang fans. ~~> pep.ph/news/39249/alden-richards-unfollows-julie-anne-san-jose-on-twitter-and-instagram Well, sa mata ni Maqui, ni Julie at ng mga adiks, isa pa rin siya USER! Hahahahahahaha
Posted on: Wed, 26 Jun 2013 08:51:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015