NARITO NA ANG HORORSCOPE SA LINGGONG ITO: ARIES (March 21 – - TopicsExpress



          

NARITO NA ANG HORORSCOPE SA LINGGONG ITO: ARIES (March 21 – April 20) Ang paglalakbay at pag-aaral ay magiging kapaki-pakinabang. Ang iyong magandang pag-uugali sa trabaho ay magbubukas ng magandang oportunidad. Huwag hayaang hadlangan ng problema ang iyong pagiging propesyunal. TAURUS (April 21 – May 20) Magkakaroon ng pagbabago sa bahay. Magandang plano ang pag-iinvest ng salapi. Ang di-pagkakaunawaan sa trabaho ay maaaring magpabagsak sa iyo. Hindi ito ang tamang panahon upang magpahiram ng pera sa pamilya man o sa mga kaibigan. GEMINI (May 22 – June 21) Gamitin ang iyong charm ngunit huwag magpapaloko. Hindi magiging maganda ang resulta ng joint ventures na pinaplano, maaaring edukasyon ang magiging sagot dito. Ang pag-eehersisyo ang pinakamagandang paraan upang mawala ang stress. CANCER (June 22 – July 22) Kinakailangang magsagawa ng mga pagbabago upang mabawasan ang tensiyon. Mas magiging madali kung magsisikap. Siguraduhing huwag magtrabaho ng sobra at matulog sa tamang oras. Ipaalam sa minamahal iyong mga personal na intensyon. LEO (July 23 – August 22) Ang taong iyong inaalala ay hindi mabuti ang pakiramdam. Madidismaya sa minamahal kung ipinahiya ka sa harap ng mga kaibigan. Magiging sensitibo tungkol sa mga kaibigan at ang kanilang kinakaharap na sitwasyon. VIRGO (August 23 – September 23) Magiging emosyonal na pagkaligalig ang pakikitungo sa minamahal. Magiging matatag ang pinagkakakitaan kahit hindi maganda ang sitwasyon nito sa ngayon. Ang pagbabagong ugali ang sumisira sa iyong tahanan. LIBRA (September 24 – October23) Pangakuan ang minamahal ng isang kasunduan na maaaring makatulong sa pagpapatatag ng relasyon. Magbasa ng libro o magbakasyon. Makakakilala ng mga tao na magbibigay ng intelektuwal na pag-iisip. SCORPIO (October 24-November 22) Masisiyahan sa magagarbong porma ng pagtatanghal. Huwag hayaang mawalan ka ng pera at maisahan ng minamahal. Ang hindi mo pakikipagkasundo sa mga katrabahong babae ay maaaring magbigay ng problema sa iyong boss. SAGITTARIUS (November 23 – December 21) Gamitin ang malikhaing kakayahan upang makapag-isip ng mga bagong ideya. Madaling mag-init ang ulo ng kapareha. Subukang mapunuan pareho ang inyong pangangailangan. Humingi ng payo upang makabuo ng tamang budget, at maghanapng paraan upang kumita ng ekstrang pera. CAPRICORN (December 22 – January 20) Makararanas ng malaking pinansiyal na kawalan kung hindi gagamitan ng tamang paghuhusga lalo na sa pagpapahiram ng pera. Humingi ng payo at suporta sa mga nasa tamang posisyon upang malampasan ang problema. Nakararamdam man ng pagka-inis, ang pagbabago sa personal na buhay ay makabubuti. AQUARIUS (January 21 – February 19) Magpaka-busy upang hindi ma-stress sa mga problema sa trabaho. Ang masalimuot na sitwasyon sa bahay ang siyang magdudulot upang maging emosyonal. Maging maingat at huwag hayaang pakialaman ng iyong mga kamag-anak o kaibigan ang iyong personal na buhay. Maaabot ang pangarap kung itutuon ang pansin dito. PISCES (February 20 – March 20) Maghanap ng paraan upang mas maging kumportable ang tahanan. Magiging pabigat sa iyo ang mga responsibilidad ng mga nakatatanda. Isama ang iyong mga kaibigan at kamag-anak sa iyong mga aktibidad.
Posted on: Tue, 17 Sep 2013 10:20:44 +0000

Trending Topics



height:30px;"> - Como foi minha aula de química hoje: . Professora falando -
صور | إطلالة ”ليدي غاغا” الغريبة
"Few cases are more obvious than the 11 year old girl in Chile who
Dear Sir/Madam, We are pleased to inform you that
Udo Ulfkotte: The Muslim Brotherhood was founded in 1928. In the
PSSI Beri Kepercayaan Penuh Indra Sjafri #MLI - PSSI tampaknya
Due to smoke in the Grand Teton area, the closures due to the
Weekly Article, “The Sheriff’s View” (#85) As I began

Recently Viewed Topics




© 2015