Nakakapagod, nakakahilo at marami pang iba. Iyan lang ang masasabi - TopicsExpress



          

Nakakapagod, nakakahilo at marami pang iba. Iyan lang ang masasabi ko noong nagtungo kami sa Maynila upang subaybayan ang PAPAL MASS. Meron akong inihandang regalo noon, balak ko sana ibigay noong pagdating niya mismo (15) sa may Coastal Mall kaso malayo. 1st attempt failed. 2nd attempt (18) noong sa UST via MRT Tayuman Station. Punuan ang mga tao doon. Failed as usual. Edi naglakad na kami. Kung saan-saan na kami napadpad. WALKING DISTANCE LAHAT. Napa-Quiapo na kami, MacArthur Bridge at UN Station. Sinubukan naming dumaan sa Maria Orosa Ave. Siksikan, tulakan at gitgitan. Yan ang naranasan namin noong umuulan ng malakas. Nakakawalang-hangin pala ung 1st experience ko sa maraming tao. Lol. Gave up. Nilakad na lang namin hanggang Pedro Gil Station. Kumain na kami ng lunch mga 2pm. After chow time, sumugod kami agad sa Quirino Station nang malaman na lang namin na nakaalis na si Lolo Kiko noon. Napaisip na kaming sumuko na lang at umuwi na lang. Buti na lang at may last hope pang natira sa akin. Sinabi sa amin ng isang Brgy Captain na kung saan kami nakapuwesto noong pasuko na kami ay doon pala siya muling dadaan. Akala namin, opportunity lost na. Nag-antay kami ng ilang oras. Nilalabanan ang malakas na ulan, hangin at tulakan ng mga tao para lang matanaw namin at ng magawa ko na ang 3rd attempt ko upang ibigay ko ang artwork ko. Sakto. Mga 5:30PM, dumaan ang convoy niya. Pilit kong inabot ang aking kamay upang iabot lang ang gawa kong artwork para sa kanya. Luckily, mission completed! Lahat ng wishes ko noon, tinupad Niya! ^_^ 1st: Sana sumakay siya sa Pope mobile at hindi sa closed car. (check) 2nd: Sana medyo mabagal ang convo. (check) 3rd: (ULTIMATE WISH) Sana maiabot ko na ang artwork ko! (CHECK!!!) Nang nakauwi na kami, hindi ko mapigilang maluha dahil sa masayang kaganapan sa buhay ko na ito. MORAL LESSON: 1. Even people drag you down, know what you went for and never lose hope by surrendering as nothing fruitful happened. 2. It is not very important whether you met him personally or not. The most important is you use your great abilities that God gave you to communicate and touch the hearts of people. THE END. (I hope you enjoyed it!) P.S. Lol nakakabaliw talaga ang experience. Ung pakiramdam na parang nawala na lahat ng pagod mo dahil nagawa mo na ang misyon! :D At saka ung kasama ko nga pala noon ay ang mommy ko. :P #blessedbythepope #PopeTYSM #PopeFrancisPH
Posted on: Mon, 19 Jan 2015 05:29:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015