Note: lengthy but worthy, especially for vulnerable girls. - TopicsExpress



          

Note: lengthy but worthy, especially for vulnerable girls. Effortfully translated in Tagalog for the sake of friendships pero hago kaayo lami kaayo mag bisaya! Kaninang umaga, around five minutes to 9AM, sumakay ako ng 21-seater jeep from kanto of our village to Ateneo, Roxas (via Tibungco-Roxas route through R. Castillo). Nakaupo ako sa drivers side (meaning left side) and situated sa second to the last seat from the end of the jeepney (opposite end of the driver). Katabi ko si Kuya-SPC/HCDC (basta white uniform ang polo). Mainit sa left side however sa seat ko eh may steel thats why hindi naman ako naiinitan. So chill lang ako. Review sa notes ni Pareng Jekell. Skimmin. Sa unahan wala pang one minute, eh tumigil ang jeep at nag pick up ng passengers. Eh natuwa ako kasi mejj puno na ang jeep and dere-derecho na papunta sa school, so lesser probability of being late sa 9:15 class (hello there, Prac2! Once pa lang naman ako hindi na late... Hahahahaha). However, nainis ako kasi may isang Kuya (white shirt with green bag na kasing laki ng large Jansport bag) ---- ang nagpumilit na umupo sa right side ko. Hmmmfff *suplada mode on* Bat sa tabi ko pa talaga?! Pwede naman sa unahan may space pa naman. Distorbo ka sa pag review ko KuyaWhite kako. Pero wala akong magagawa. Pinasok ko ang CP ko sa bulsa ng black bulky bag ko for safeguarding purposes. BUT, I saw him glaring sakin. Point taken, iba ka KuyaWhite ha. However, ayoko bigyan siya ng malisya. Dahil nga dalawa ang bag ko, yung isa kong white bag kung san nakalagay notes and reviewer ko eh nilagay ko sa lap ko and on top of it was my bulky black bag kung saan nandun lahat ng valuables. Tapos yung bunganga ng bag I made sure na malapit sakin and its visible sa sight ko. Review mode on ulet. Sa unahan, may bumaba from our side... So dapat maluwang na. Eh hindi siya umurong!!!! Nainis ako.... Guot2 dut2 jud siya. Ako pod, kay BV pod ko niya, pag naay musakay, di ko mutarong og linkod para magkalisod siyag lingkod as well. Hahahahahaha. Nung nasa may Agdao na kami just after the flyover, bumaba na si Kuya-SPC/HCDC so automatic na sana na ako na ang nasa end ng jeep diba. Kaso, di ako agad nakalipat kasi maraming nagsibabaan na rin at bulky bags you know. HOWEVER, to the shock of my bone marrow.... Tumayo si KuyaWhite (sumabay sa mga taong palabas ng jeep) pero LUMIPAT SIYA SA END NG JEEP!!!!!!!! Gipulihan niya si Kuya-SPC/HCDC didto na dapat didtoa na ko!!!!!! Whats more alarming is, bakit pa talaga siya lilipat?!!! Point!!! Naonsa jud diay ka oyyyh!?? Nakaduha naka nako KuyaWhite ha!!! At that moment, I stopped my review. Sorry Pareng Jekell, magkikita naman tayo next time. Wag ka maoffend. I really feel that somethings wrong na, *assumer and feeler mode* on. Nakikiramdam lang ako. As in. Nag iisip na ako na itotouch na niya ako or any of my belongings. Before Magsaysay Park Stoplight, pinaurong ako ni KuyaWhite (impliedly kasi umurong siya ng hard). Kuya!!! 3 points ka na ha!!!!! Inis na ako!!!!! Umurong naman ako. HOWEVER, SI KUYA NA NAKA BLACK (Kuya Black) NA NAKA UPO SA HARAP KO AY TUMABI KAY KUYAWHITE. Therefore, si KuyaBlack, KuyaWhite and ako... Yan na seating arrangement namin. BAKIT KA LUMIPAT DEMON KA NAGPAPANGGAP KA PALA HA!!!!!!! Bakit siya lilipat na maluwang naman sa right side and hindi mainit sa side niya?!!!! Therefore, tama na talaga ako. Nasabi ko sa sarili ko, pag itong dalawa ay mag aattempt na talaga na itouch ako, puputulin ko ari nito at mag eeskandalo ako dito sa jeep! Mas na alarma ako. Hinanap ko ang kamay ni KuyaWhite (kasi kami naman talaga ang magkatabi) particularly yung right hand niya kasi si left hand, hinawakan yung bag. Pero yung right hand niya ay natabunan na ng green bag niya. Therefore. Hence. Gusto ko na gumawa ng eskandalo pero hindi ko pa naman naramdaman ang kamay niya, baka barilin o saksakin ako nun. Pero 1000% sure na talaga ako na financially challenged, ethically challenged siya. Deep inside nag short prayer lang talaga ako. I decided I am not safe here anymore, and I should make baba to the nearest place na safe at maraming tao na mahihingan ng tulong in case na ano mang mangyayari. Bahala na ma-late again sa Prac2 na 9:15 AM class. Tutal, late naman ako most of the time. Magtataxi nalang ako at kahit utangin ko nalang panlunch ko in case di enough si allowance. Bahala na as long as safe ako. Dun na kami banda sa Stoplight ng Magsaysay Park. Every second na lumilipas parang angtagal at di ako mapakali. Hinihintay ko na ma touch ako ni kuya talaga. Ang ginawa ko, si flat-surfaced white bag ay kuniha ko from the bottom and nilagay ko sa right side ko para ma block ko kamay niya in case i touch niya ako. Ang black bulky bag ko, nasa left side naman. At dahan dahan kong sinilip si wallet, iPad at cellphone. Positive. Nakahinga na ako. Pero kinakabahan pa rin ako. Susme!!!! Nagkashort term traffic pa talaga sa Chinatown. Kaiyakin na ako (charus hahahaha) pero oo gusto ko na bumaba pero nasa unahan pa kasi ang NCCC kung saan may mga armadong tao akong nakikita most of the time. Nung nasa NCCC drop off point na, aaksyon na sana akong bababa kaso nauna nang bumaba si KuyaWhite at KuyaBlack. Pagkababa nila...... Di ako makagalaw. Na stun ako...... In a while, checked my valuables ko. Thank you Lord. Kinausap ako ni Nanay na nasa harap ko. .. Naramdaman mo ba? Napansin mo? ....(smiled) Opo. Hindi naman ako tanga po. Mas matalino ako sa kanila Nay. Dalawa sila, pero di sila nakakuha ng anything from me. Buguon sila, Nay. ..Kanina pa si KuyaWhite nagpapadala ng signal kay KuyaBlack mabuti nalang alerto ka. Ang gulo2 pa katabi ni KuyaBlack. Ayun, pagka baba nila, sumakay sila ng ruta pabalik sa ruta kung san tayo galing.(kasi sinilip nia) ....Presence of mind lang talaga Nay. Actually, mas nagalit ako kay KuyaWhite dahil hindi ako nakapag basa talaga sa libro ni Pareng Jekell. Erroneous? Hahahahahahaha samok man gud siya!!! So ayun. I will present my TIPS in case na mapapagdaanan mo yung nangyari sa akin, or similar circumstance, or if applicable ba siya in any way. Pero dito, sa jeepney or public utility vehicle ang purpose talaga nigo. 1. BE MINDFUL SA ENVIRONMENT MO. Maging judgmental ka kung kinakailangan (it will save you, promise)! Mamili ka ng katabi mo. Piliin mo yung naka uniform, yung tipong nagtatrabaho, nag aaral or dignified kung manamit. Sa tingin ko wala naman sigurong worker or student na magnanakaw? Yung tipong malinis tingnan talaga, and pwede ka ring tumabi sa mga babae, bihira lang ata babaeng snatcher? Pero yung mga magnanakaw ngayon eh disente na rin kasi sila kung manamit. Basta dun ka nalang sa uniform tumabi wag na maraming tanong. In my case, originally students from SPC/HCDC and Joji Ilagan yung seatmates ko sa jeep pero kasi sumingit talaga tong magnanakaw na to. 2. KEEP YOUR GADGETS and VALUABLES. Sa pinakailalim ng bag kung gusto mo (ganyan kasi ako). Pero kung ayaw mo talaga itago si cellphone kasj katext mo si lovelife (wow kung pinagpala ka noh? Hahahahaha), eh magpamusic ka nalang with your headphones. Malalaman mo naman na nawala na ang cellphone mo kapag na-stop na yung music ;) tapos suntukin mo na si seatmate. Joke. Very applicable ito sa gabi kapag nakakatulog ka along the way. 3. PREPARE YOUR FARE AHEAD OF TIME. Ilagay sa bulsa or sa surface na bulsa ng bag mo. Trust me. Safer ka pa pati valuables mo, esp pag masikip at sa gabi. Kung kaya, exact amount na talaga. Wag mo na ipakita sa lahat ang 1000 bills mo, magagalit si manong drayber. 4. HOLD YOUR BAGS. BE CLINGY. HUG MO SIYA NA PARANG LOVELIFE MO SIYA. At least naman ma feel na may lovelife kahit wala........ Esp sa duration of the trip. Yung bunganga ng bag dapat pinakamalapit sayo or the zipper man lang. Pag bababa na ang mga tao, hawakan mo bag mo, baka naman hablutin at tumakbo bigla. Baka di mo na mahahabol. 5. PORTOFLIO. Wag ilagay lahat ng pera sa wallet. Diversify mo kung san sila para may pera ka pa in case makukuha wallet mo. Wow, hello Finance. Hahahahaha!! 6. PRESENCE OF MIND. Most important pag ikaw ang biktima. Wag ka ma-rattle. Do not lose composure. Sayang ang beauty-queen mong ganda *ehem, ang height eh?* Kasi kapag na-kora ka na, you cant think clearly and logically kasi nauunahan ka na ng FEARS mo. Clouding your mind. 7. ALWAYS TRUST YOUR INTUITION --- Of all, bilang babae, pinakavulnerable sa mga situation na ito. Gamitin mo na pagka babae mo te. Yung mga intuition mo sa boyfriend mo pag nagseselos ka or may pinagseselosan ka, gamitin mo na dito. Ibuhos mo dito yan!!!!!! Most applicable yan dito. If you feel na mahaharm ka na, and there is a greater chance na maiiimpair ang safety mo, bumaba ka sa pinakamalapit na safest place na maraming tao at may pulis to ask for help. Pag gabi naman, don ka sa mailaw na lugar at sure na maraming tao na naglalakad doon. 8. DO THE SCENE. If no chance na makakababa ka na talaga tapos umaaksyon na si Magnanakaw na nanakawan ka, gumawa ka na ng eskandalo. Thank you Daddy Val for this tip! Ipahiya mo siya thru verbal means pero to the point only na may matitira pang dignity sa buhay yan. Like, Kuya nararamdaman ko na kamay mo. Close tayo kuya? Ano nga name mo po? Tumigil ka or else, papa ambush kita..... Ganyang level lang gud oooy. For sure, tatakbo yan. Matatakot kasi malalaman identity niya. Depende kasi sa circumstances. Di mo alam na pati driver eh kasabwat diba (wag naman sana). Iba naman yung circumstances na tututukan ka na ng baril, kutsilo, etc. Bigay mo na lahat. Sayang virginity mo if mamamatay ka lang te. Depende rin sa circumstances noh. Tantsahin mo. 9. DONT BE A PASSIVE PASSENGER. This is para sa mga taong nakakawitness nito. Pwede mo rin iintimidate si Magnanakaw thru verbal intimidation pag hindi alam ni victim kasi wala siyang SAFEGUARDS IN CASE OF THREATS (Hello Aud hahahahahahahaha). Di mo alam, dahil sa tulong mo kay victim ay may reward ka. 1. Baka ma-lovelife mo siya dahil magkakapalitan kayo ng numbers tapos calls and chat na kayo niyan 2. Malilibre ka ng pagkain (ito gusto ko) as a token of thanks 3. God will reward you. Oh diba. Nakatulong ka na, happy ka pa! 10. PRAY. A short but whole-hearted mentioning of His Name will do it all. Thats the fastest trick. His help is a zillion times faster than the flash of a lightning. If you believe kay Mama Mary, pray for her Perpetual Help. She will definitely calm your inner. Always pray for your protection and for the protection of the people. Wag ka naman selfish, pagpray na lahat. Wag lang puro lovelife oooy. These tips saved me a lot of times na. Especially naman na either 9 or 10 PM ako nakakauwi sa bahay due to evening classes. Once, may nag attempt din pero ang nakuha niya sa bulsa ko ay Rosary. Awkward Kuya? Akala mo kasi bobo ako, mas bobo ka po. Naunahan lang kitang ilipat ang pera at cp ko sa bag ng di mo namamalayan. Tapos may isa pang pervert na nag chansing sakin sa jeep noon. But good thing, INTACT pa rin ;) Pero, na trauma din ako jan sa chansing na yan. I am saved dahil sa presence of mind. Yan ang pinakabasic. Welcome, alam ko may natutunan kayo :) Share niyo sa friends natin na nag co commute pag ka gabi. And if may safeguards kayo, or other things to say, feel free. Sa lahat ng ito, thank you Lord dahil ang presence of mind nayan ay grace from you. Sa lahat ng ito, Ad Maiorem Dei Gloriam!🙏🙏🙏
Posted on: Tue, 25 Nov 2014 10:05:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015