[] PANDORA ;AAA;. MISS NA MISS NA MISS KO NA KAYO. Alam niyo naman - TopicsExpress



          

[] PANDORA ;AAA;. MISS NA MISS NA MISS KO NA KAYO. Alam niyo naman yung Tacloban City diba? Well, yun yung lupang sinilangan namin. So bye bye pandora lang muna. Bibisita nalang kami kung makakatiyempo. Kung sino man ang mabait diyan pwede pakiedit nalang ng hiatus list? Ako, si Yoona, si Sulli tsaka si Bomi. Hiatus hanggang I dunno when. Feeling ko kasi hanggang December wala pang kuryente. Kasi naman sabi ng mga nakakatanda dito matagal pa daw maayos yung lugar namin. Tapos alam niyo ba birthday ni sulli nung november 8? Sakto sa bagyo noh? Tapos sabi nila birthday ko daw yung malas kasi end of the world eh mas end of the world pa nga sa birthday niya. Tapos alam niyo ba. Lahat ng mall samin wasak, kasi naman yung mga tao nagforce entry. Define ang gulo. Tapos yung mga preso ayun nakatakas tapos niraid yung mga gun shop kaya armado na sila. Tapos nagkakaubusan na ng supply ng pagkain. Tapos ang daming patay na nagkalat sa sidewalk. Eh, hindi pa nga nagkakaroon ng mass grave. Ay ewan. Ang hinang umaksyon. Tapos meron pa nung baby na namatay bloated na siya masyado. Andun siya sa kandungan ng nanay niya. Tapos nung nagevacuate kami papuntang Samar, may patay kaming nadaanan na nakahilera sa daan tapos naglalabasan na body fluids niya. Tapos... BAT BA ANG DAMI KONG SINABI? Anyway. Alam niyo ba? Ang dami nang militar dun, kasi naman ang dami nang taong gutom kaya nagaakyat bahay na sila tapos may dala pang patalim. Buti nalang yung campo nila nasa tapat ng bahay namin. Pero anyway wala na ako dun sa Tacloban nagevacuate na kami so guys pray niyo nalang sila yoong tapos si sull tapos si bomi. Wala akong balita kay bomi pero maayos naman daw yung dalawa. TAPOS ALAM NIYO BA? Ilang araw kong hinintay na mainterview ako? Ang daming dumaadaang reporter pero wala. Yun na nga lang wish ko. Magkaexposure man lang tapos sabihing Im okay. Ohmygosh. Hi friends PERO WALA! Okay gusto ko lang magkwento. Kasi naman, wala. Masyadong stressed mga tao dito. Tagalog nalang ha? Sorry sa mga hindi makakaintindi. Tapos Ohmygosh. Wala, malakas ba yung milenyo tsaka ondoy? kasi ang lakas nung yolanda eh. akala ko nga lumilindol din kasi nashashake nung hangin yung bahay namin. Emerghed Tao. Wala munang #TAOLLU huh? Susunod nalang. Babalik din yan. Magpakabait kayong mga bata kayo. Magaral ng mabuti. Wag magsayang ng pagkain. Maligo ng maayos. HAHAHAHAHA. MAgshopping. Ohmygosh talaga. Like ohmygosh. Tapos mga walang hiya kayo. Naspam nga notiifs ko puro kay Sehun tapos yung tagging game. Anobayan? Kung ako nangunguna dapat yung question sino pinakamaganda, sino pinakamabait, mga ganun. LOL. Ge ge. Bye :))
Posted on: Thu, 14 Nov 2013 00:30:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015