Pagtatapat ng isang misis na lulong sa shabu Ni Arnel Medina - TopicsExpress



          

Pagtatapat ng isang misis na lulong sa shabu Ni Arnel Medina DITO sa Pilipinas, ang tawag sa methamphetamine hydrochloride ay shabu, pero sa ibang bansa gaya sa U.S. ang tawag dito ay meth o kaya ay ice. Ang shabu ay psychostimulant at sympathomimetic drug. Matindi ang epekto ng shabu sapagkat pagpasok nito sa utak, nagri-release ito ng mga tinatawag na norepinephrine, dopamine at serotonin. Dahil dito ang “bumatak” ay makakaranas ng euphoria at grabeng excitement. Obsessed na obsessed ang sinumang “bumatak” at paulit-ulit siya kung gumawa. Kapag naisipan niyang maglinis ng bahay, maglilinis siya nang maglilinis. Kapag naisipan niyang maghugas ng kamay, paulit-ulit siyang maghuhugas. Kapag naisipan niyang kalasin ang mga parts ng isang bagay, gagawin niya ito at saka bubuuin muli at saka kakalasin muli. Kapag itinigil ang “pagbatak” makararanas ang user ng kakaibang takaw sa pagkain, tulog nang tulog at depressed na depressed. Pero bukod sa mga ka-weirduhan na ito dulot ng shabu, mayroon pa palang matinding epekto sa user. Ito ang ipinagtapat isang ginang mula sa U.S. “Una kaming gumamit ng shabu ng aking asawa noong Bagong Taon. Sinubukan namin dahil kapag daw naka-shabu ay sisigla ang pakikipagtalik. Tama nga. Kaya paulit-ulit naming sinubukan ang pagsa-shabu. “Mayroon akong trabaho sa opisina samantalang truck driver ang aking asawa. Bago pumasok sa trabaho, bumabatak kami. Pagdating galing sa trabaho, batak ulit. “Hanggang sa may­­roon kaming ma­pansin sa aming sarili. Ang aming balat ay madaling natuklap…” “BUKOD sa madaling matuklap, napansin din namin na namamaga ang aming balat. “Grabe rin ang nadarama naming pagkauhaw. Inom kami nang inom ng tubig pero ang nakapagtataka, hindi naman kami umiihi. Kahit na gaano karami ang aming inumin, wala kaming inilalabas. “Hanggang sa magkaroon ng deperensiya ang aking kidneys. Hindi ko maipaliwanag ang naranasan kong sakit. “Hanggang sa bumaba ang aking timbang. Nabawasan ako ng 20 pounds samantalang ang aking asawa ay 30 pounds. “Ang isa pang naging kapansin-pansin sa aming asawa ay ang masamang amoy na inilalabas ng aming katawan. Amoy ammonia na halos maluha kami sa masangsang na amoy. Mabaho rin ang aming hininga. “Hanggang sa mapabayaan ko ang aking trabaho. Lagi akong late. Madalas maibangga ng aking asawa ang truck na mi-namaneho. “Ang matindi, na-pabayaan ko ang aking anak. May pagkaka-taon na hindi ko siya napapakain. “Hanggang sa na-pag-pasyahan naming mag-asawa na tigilan na ang pagsa-shabu. Hindi na kami gagamit. Itatakwil na ang masamang bisyo. “Nakatagal kami ng apat na linggong walang shabu at na-kabalik sa normal ang aming buhay. “Pero may mga gabi na hindi kami makatulog. Hinahanap namin ang shabu. Kahit na tutol ang aming isip, sa kabilang side naman nito ay may bumubulong na gumamit uli kami ng shabu. Ayaw namin pero gusto namin…hanggang sa matukso uli kaming tumikim…” (listverse) apple ^_^
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 04:35:46 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015