Pamatay na mga mata ni Piolo, namana ni Iñigo! Nanditosa - TopicsExpress



          

Pamatay na mga mata ni Piolo, namana ni Iñigo! Nanditosa Pilipinas ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual.Nakilala namin siya sa debut party ng anak ng isang kaibigan namin last Saturday sa Manila Hotel, kung saan kami ang host kasama ang iba pang mga library talent na sina Martin D’ Icon, Dingdong Gabriel at Joyce Yadao.Hindi namin makikilala si Iñigo kung hindi sinabi at itinuro sa amin ng ama ng debutante na ito ang anak ni Piolo. Never kasi naming nakita sa TV si Iñigo kaya hindi kami masyadong pamilyar sa kanya.Sa maikling pakiki*pag-usap kay Iñigo, napag-alaman naming 15-years old na siya at may natapos na raw siyang indie film.Gaya ng kanyang Daddy niya, guwapo rin si Iñigo. Namana niya ang hugis ng mukha ni Piolo at lakas ng appeal nito.Katulad ni Piolo, pamatay rin ang expressive eyes ni Iñigo lalo na kapag ngumingiti. Mas makapal nga lang kilay ni Iñigo at mas maitim ang complexion nito kumpara sa kanyang ama.Parang hindi bagito sa maraming tao si Iñigo dahil hindi ito naiilang sa atensyon sa kanya sa party.Proud din siyang bitbitin ang pangalan ng ama dahil nu’ng tanungin namin siya kung puwede namin siyang ipakilala bilang anak ni Piolo, mabilis siyang pumayag.Siya pa nga ang nagsabing meron na siyang natapos na indie film pero hindi pa raw siya magpu-full blast sa showbiz. Kinakailangan daw niyang bumalik sa Amerika sa susunod na buwan.Iñigo, mas magaling kumanta kay Piolo!Interesado talaga siya sa showbiz. Pero sa ngayon, sa States daw siya naka-base at nandito lang siya sa ‘Pinas para magbakasyon at makipag-bonding sa kanyang ama.Hindi lang sa looks papasa bilang artista si Iñigo kundi pwede rin siyang maging singer o recording artist gaya ng ama.Nang pakiusapan ang binatilyo na kung puwede itong kumanta, hindi ito nagdalawang isip na pagbigyan ang debu*tante.Dahil nga baguhan pa sa industry, inasahan ng marami na magpapa-cute lang si Iñigo sa kanyang kanta pero nagulat at na-impress ang lahat sa maganda nitong boses.Walang dudang mas maganda ang vocal qua*lity niya kesa sa tatay niya.Sa mga characteristics ni Iñigo hindi na pagdududahan pa na mayroon ng successor si Piolo kung sakaling maghinay-hinay ito sa showbiz gaya ng plano niya matapos ang tatlo hanggang limang taon para bigyang pansin ang kanyang pastoral mission.
Posted on: Thu, 25 Jul 2013 14:46:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015