Parang pelikula lang talaga ang buhay. Natatapos. May “the - TopicsExpress



          

Parang pelikula lang talaga ang buhay. Natatapos. May “the end”. Yung puntong eto na, ayaw mo na. Suko ka na. Tama na. Tapos na yung pelikula. Kaso may credits pa pala. May bloopers. Na pwedeng magremind kahit di mo nagustuhan yung ending ng pelikula, matatawa ka pa rin sa kung paano binuo yung pelikula. Na habang ginagawa yung palabas, may pagkakamali. May tatawanan ka. Na maraming beses inulit bago maging perpekto ang isang scenario. Parang buhay. Maraming beses kang magkakamali, pero hindi ibig sabihin “tama na”. Laging may pagkakataon para iwasto ang mga mali. Na sa darating na panahon, kapag lilisan ka na, tatawanan mo lahat ng naging problema. Na masasabi mo sa sarili mong, sulit naman pala. Ikaw ang bida sa sarili mong kwento, ikaw ang director, ikaw ang writer. Ikaw lahat. Kaya dapat, ikaw mismo ang magmahal sa sarili mong pelikula. - #Kim
Posted on: Wed, 11 Sep 2013 00:27:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015