Problema ni Pacman, dahil sa maling sa prize money? 28 - TopicsExpress



          

Problema ni Pacman, dahil sa maling sa prize money? 28 Nov.2013 Nakikisimpatya ang ilang mga boxing analysts sa kinasasangkutang iskandalo ngayon ni Manny Pacquiao, may kaugnayan sa umanoy hindi tamang pagbabayad ng buwis. Ayon sa iba, naaawa sila sa Pinoy ring icon sa problemang kinakaharap dahil sa mismanagement sa kanyang team noon. Naniniwala ang sports writer at boxing analyst na si Ronnie Nathanielsz, na noon pa man ay may problema na si Pacman sa pag-hire ng accounting firm sa Amerika na kanya pang sinibak. Ipinaalala nito na ang accountant ay binalikan pa si Manny at siya ang kinasuhan. Nanghihinayang din ang manunulat na wala ngayon sa tabi Manny ang malapit na adviser tulad ni Atty. Jing Gacal dahil sa ito ay na-stroke. Iniulat naman sa Bombo Radyo ng boxing writer na si Alex Vidal mula sa Amerika, na bahagi ng problema na kinasadlakan ngayon ni Pacquiao ay ang kalakaran ng mga public relations o publicist na nakapaligid kay Manny na hindi sinasabi ang tunay na premyo sa kanyang mga laban at sa halip ay “bloated” o sobra sobra ang ipinamamalita. Their false reportage has hurt Pacquiao and he is now experiencing the damage done by that inaccuracy. Inihalimbawa ni Vidal ang lumabas na mga report noon sa laban kay Oscar dela Hoya na umabot pa sa $35 million daw ang posibleng kinita ni Pacman. Sa press release naman sa laban kay Ricky Hatton ay tumataginting na $25 million, habang sa Miguel Cotto fight ay ipinalabas din na $25 million ang kinita liban pa sa pay-per-view sales. Ayon pa kay Alex, ang hindi makatotohanang report sa nakakalulang kinikita ni Pacman ay minsan ay nagbubunsod sa mga otoridad tulad ng BIR na habulin ang isang indibidwal dahil sa hindi magkatugmang pagdedeklara sa income tax return. Kung layunin daw ng mga public relations expert ni Pacquiao na ihanay siya sa mga bigating sports icon sa malaki ang kinikita tulad nina Tiger Woods, David Beckham, Roger Federer at Kobe Bryant, ay nagkakamali sila dahil “nag-backfire” ito ngayon kay Manny. Kung maaalala maging ang sikat na Forbes Magazine ay nakisawsaw din at inilagay noon si Pacman na kabilang sa Top 20 richest paid athletes sa buong mundo na may kayaman na aabot sa $100 million na katumbas na ng bilyun-bilyon sa peso. If their intention is to confuse the Internal Revenue Service (IRS) in the United States, definitely their gimmick defies logic. The more that Pacquiao earns, the more taxes he must pay. The Forbes Magazine has listed him as one of the top 20 richest paid athletes in the world with estimated worth of $100 million, ani Vidal sa kanyang write up na isa ring international boxing referee. If their purpose is to portray Pacquiao as one of the highest paid professional athletes in the planet in the league of Tiger Woods, David Beckham, Romario, Roger Federer, and Kobe Bryant, the braggadocio has backfired. Inamin na rin mismo ni Pacquiao na ang hinahabol sa kanya ng BIR na P2.2 billion ay mahigit pa raw sa kanyang pera na hawak. Its the job of Pacquiaos accountants and probably lawyers to handle the problem, and they must deal with the BIR in the most professional manner sans media hoopla and blunderbuss if they hope to ferret out a win-win solution, bahagi pa ng analysis ni Vidal. We are always reminded of Al Capone when we remember the popular adage that says, You cant fight city hall. via BR Phil #admin_gems
Posted on: Thu, 28 Nov 2013 15:59:52 +0000

Trending Topics



;">
welcome home baby gifts

Recently Viewed Topics




© 2015