SIBUL SPRINGS Ang matandang pamayanan nasa baybayin lawa ng - TopicsExpress



          

SIBUL SPRINGS Ang matandang pamayanan nasa baybayin lawa ng Candaba, pinangalan ng mga Kapampangang Mayumo, ibig sabihn ay matamis. Ang unang pinanirahan ng mga taga Candaba ay ang nayon ng Mandile, bago pa man nakarating ng mga kastila sa panig na ito ng San Miguel. Sa pagdating ng mga kastila noong 1629, sa pamayanan ng Mayumo, isang kastilang Kapitan ang pinagkalooban ng 2 sitas at 3 cavallerias na lupa, dahil sa tapat niyang paglilingkod sa hari ng Espana. Sa pagdamin ng mga nabinyagan, nagbabayad ng buwis at nagaabuloy sa simbahan, ginawang parokya ang San Miguel noong 1762. Si Padre TomasTombo, Kura Paruko ng San Miguel ang nagbigay pansin sa nakagagamot na tubig ng Sibul. Simula noon naging bantog ang Sibul dahil sa tubig nitong pinaniniwalaang nakagamot ng mga karamdaman. Dahil dito, lumaganap at dumagsa ang dumarayong maykaya at makapangyarihang nagbabakasyon sa Sibul, upang subukan ang nakagagamot na tubig ng kanilang mga karamdaman. Noong Marso, 1896, ilang buwan bago sumiklab ang himagsikan, si Felix M. Roxas ay nagtungo sa Sibul at sinulat niya sa librong, “Ang daigdig ni Felix M. Roxas” ang kanyang karanasan. Inulat niya na noong gabi ng Marso, 1896, sumakay siya ng tren mula Tutuban, bumaba sa Bigaa at umarkila ng Karomata patungong Sibul upang magbakasyon. Inabutan siya ng bagyo sa San Ildefonso at makaraan ang 13 oras ng paglalakbay nakarating siya ng Sibul. Sinalarawan niya ang Sibul noon na may dalawang bahay pahingahan, pinapaupahan at pinamaahalan nina Modesta at Paguita at sa bahay pahingahan ni Modesta siya nanuluyan. Sa gitna ng malawak na lote, matatagpuan ang bantog bukal na tubig ng Sibul, nababakuran ng Sawali at kawayan at sa isang mataas na panig nakatindig ang lumang at sira-sirang bisita. Ayon kay Roxas ang loteng tinatatayuan ng kasalukuyang banyo ay pagaari ni Felipe Buencamino, pinagbili sa kanyang kaibigang si Atty. Jose Morelos Lacalle, dahil nagamot ng tubig Sibul ang dalawang niyang anak may sakit na Desentirya. Kinuwento ni Felix Roxas si Atty. Lacalle ay may malaking ranchong tahanan at nagdala ng mga katulong nagaalaga sa rancho. Maraming dinatnan ni Roxas sa Sibul na mga kastilang pari at nanunungkulang sa pamahalaan at binangit niya ang ilang pangalan ng mga kilala sa lipunan ng mga panahong iyon. Ang ilan sa kanyang nabangit ay sina Amparito Perayra, mga Hortensia, Cortazars, Pacita Marcaida, Rosita Rodaceda, Maria Reyes at John Russels, kilalang Soprano ng kompanyang Gresti. Ang kinaugalian ng mga nagbabakasyon ay magsiba bago mag almusal, maligo sa bukal, pangangaso sa kagubatan at sa gabi kakain ng hapunan sa tahanan ni Atty. Lacalle ng mga nahuli sa pangangaso. Ang Sibul noon pa man ay may mina na ng bakal, ginagawang gamit sa bukid at sa mga tahanan. Noon 1762 ang Maynila ay sinakop ng mga Ingles, ang simbahan ng San Miguel ay ginawang pagawaan ng Pulbura at ang minahan ng bakal sa Sibul ang ginagawang sandata laban sa mga Ingles. Sa panahon ng pananakop ng Hapon, pinaunlad ang minahan ito ng bakal sa Sibul, subalit makaraan ang digmaan hindi ito pinagpatuloy, dahil sa kakulangan ng mamumuhunan. Matagal bago sumiklab ang himagsikan, lumaganap ang maraming kilabot na tulisan, dahil sa mataas na buwis at pangangamkam ng lupa ng mga kastila. Ang isang bantog at kinatatakutang kilabot na tulisan ay si Tulisang Tangkad. Maraming nagsasabi siya ay taga San Mateo, Rizal, dahil ginagamit ang Daang Tulisan upang magtago sa mga yungib nasa madlum at Sibul. Ang iba’y naniniwala siya ay isang Kapampangang, nagtungo sa Tayug, Pangasinan upang ipaghiganti ang mga taga Macabebe sinaktan at pinalayas sa Tayug. Si Villabrille, isang retiradong kawal kastila ang masigasig humanap hangang masukol at mahuli sa Madlum sina Tangkad at apat niyang mga kasamahan. Makaraan ng paglilitis, si Tulisang Tangkad, ang kanyang kanang kamay si Bulag at isa pa nilang kasama ay binitay sa pamamagitan ng Garrote. Sa kasagsagan ng labanan sa San Miguel, laban sa mga Amerikano, si Capt. Charles Duval Roberts ay nadakip ng pangkat na Columna Volante ni Kor. Simon Tecson sa Sta. Lucia. Ang pagaalaga kay Capt. Roberts ay pinaubaya kay Kor. Pablo Tecson sa bundok Corona, makaraan ang 3 buwang pagkabihag sa amerikanong kapitan, nagkaroon ng pagpupulong sa Sibul sa pagitan ng Provost Mashall ng mga Amerikano at Kor. Pablo Tecson, sa pagpapalaya ng bihag na amerikano. Sa pagpupulong na ito sa Sibul napagkasunduang palayain si Capt, Charles Roberts kapalit ng pangakong hindi siya makikipaglaban sa mga kawal Pilipinong taga San Miguel. Makaraan ng digmaan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano at pagkatatag ng Philippine Assembly noong 1911, pinagtibay ang pagpapagawa tore ng tubig, mga gusaling Galbaldon sa Poblacion, San Agustin, Salacot at Sibul. Ang tulay na bakal at ang Banyo ay ginawa at tinanghal na summer capital ang Sibul noong hindi pa nabubuksan ang Baguio. Hindi nagtagal ginawa ang swimming pool, Tennis Court at nilagyan ng Post Office na may linya ng telegram tuwirang may ugnayan sa Maynila, dahil ang mga may mataas na nunungkulang mga amerikano dito nagbabakasyon. Marami ring mga kinikilang may kaya at bantog sa lipunan sa Maynila, nagpatayo ng bakasyunan sa Sibul. Sa Sibul nagpatayo ng bisita si Senador Ceferino de Leon at dito kinasal ang kanyang anak na si Trinidad de Leon kay Manuel Roxag, ang naging pangulo ng ating bansa. Sa Sibul tinatag ang kampo ng mga amerikano sa lupang pagaari ng mga Tecson, ngayon’y may pangalang Camp Tecson. Ang kabayaran sa paggamit ng lupang kinalalagyan ng kampong ito ay sinigil ni Gobernador Pablo Tecson noong 1903, upang mapilitang palayain ang kanyang kapatid na si Simon Tecson, pinatapon sa Guam. Hindi pinagbigyan halaga ang kahilingan ito ni Gob. Pablo Tecson, kinatwiran ng mga amerikano na hindi nila mababayaran ito, dahil ang may-ari ng lupa si Simon Tecson ay namatay sa Guam. Ito ay walang katotohanan, sapagkat makalipas ang isang taon si Simon Tecson ay nakauwi at pumanaw noong 1904. Ang tugong ito ng mga amerikano ay upang huwag mabayaran ang sinisingil ni Gob. Tecson. Noong 1915 pinagtibay ang pagbuo ng Philippine Army, ang kampo sa Sibul ay isa sa maraming ginamit sa pagsasanay ng mag sundalo. May naganap sa kampong ito, upang umalis ang mga nagsasanay na mga sundalo. Ang naging dahilan; nawala ang baril ng pinuno ng kampo at piliit pinaaamin ang pinaghihinalaang nagnakaw. Dahil walang umaamin, pinakulong ang lahat nagsasanay hangang hindi naibalik ang nawawalang baril at naging dahilan upang tumakas ang lahat ng nagsasanay. Umabot ito sa kalaman ng nakatatas na pinuno, pinalitan ang pinuno ng kampo at pinawalang sala ang mga nagsasanay. Sa pananakop ng mga Hapon ng ating bansa, maraming mga taga bayan ng San Miguel ay nagebakwet sa Malapad na Parang, sitio ng Sibul. Nagsiumuwi lang sila noong sa kanilang tahanan sa bayan ng pagsabihan ni Punong Bayang Eugenio Tecson na maaari na silang magsiuwi. May tatlong kilusan naitatag sa San Miguel na may nasasakupang teritoryo. Ang daang bumabagtas sa bayan ng San Miguel ang naging hanganan. Sa kanluran ng daan ay sakop ng mga HUK (Hubong Bayan Laban sa mga Hapon) hangang lawa ng Candaba. Ang kilusang ito ay nagsimulang pinagtatagol ang pamayaan laban sa mga tulisan at mandarambong, noong huli laban sa mga hapon, may makaliwang silang paniniwala. Ang mga USAFE (United State Army of the Far East) ang sakop ay silangan ng daan hangang Sibul at kabundukan ng Sierra Madre, sila ay kapanalig ng mga amerikano. Samantalang ang kilusang Makapili ay kapanalig ng mga Hapon, dating kasapi ng Sakdal, pinamumunuan ni Artemio Ricarte. Dahil sa matinding galit sa amerika at pagnanais maging malaya, umanib sila sa Hapon sa paniniwalang mapapalaya sa Amerika. Sa pagdating ni Artemio Ricarte, kasama ng Hapon, tinatag nila ang Makapili, mula sa kilusang Sakdal. Sa panahong ng pananakop ng mga hapon ang Sibul ang ginawang himpilan ng pinakamataas na pinunong Hapon sa bayan ng San Miguel. Ang mga gerilyang USAFE may tuwirang komunikasyon kay Hen. MacArthur sa Australia nagpapadala ng lihim na ulat sa dapat bagsakan ng bomba ng eroplano sa bayan ng San Miguel at Sibul. Sa Sibul ang ginamit nilang sukatan sa dapat bombahin ay mula ibabaw ng tangke ng tubig nasa loob ng kampo sa Sibul. Sa Poblacion ng San Miguel, ang tore ng tubig katabi ng paaralang sentra ang sukatan ng babagsakan ng bomba. Subalit hindi pinatupad ng pagbabagsak ng bomba sa bayan, dahil kaagad lumisa at tumakas patungong Kiangan ang mga Hapon sa pamumuno ni Hen. Yamasita. Sa Sibul si Felix Tayag ang pinuno ng USAFE gerilya sa Sibul, nahalal na Punong Bayan ng San Miguel. Ang mga Tayag at mga David ang nagsimula ng mga lumber yard sa Sibul. Dahil sa pagkawasak at pagkasunog ng Maynila, dahil sa pagbabalik ng mga amerikano, kinakailangan ang kahoy magagamit sa pagtatayo muli ng mga gusali at tahanan sa kamaynilaan. Dahil sa malapit, magandang daan madaling madala sa Maynila, dahil na rin sa marami at malalaking punong kahoy sa Sibul, naging sentro ng pagkukunan ng kahoy ang Sibul.
Posted on: Mon, 14 Oct 2013 23:45:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015