Sa gitna ng lindol, bagyo at mga sakuna Hahanga ka sa pinoy, - TopicsExpress



          

Sa gitna ng lindol, bagyo at mga sakuna Hahanga ka sa pinoy, nginingitian lang ang problema Nakukuha pang tumawa, punong puno ng pag-asa Sa kabila ng gobyernong mabagal at bulok na sistema Sa pagdaan ni Yolanda libo-libo ang namatay Madaming nawalan ng mga bahay at hanapbuhay Ang mga nakaligtas sa tabing daan nakaratay Nasaan ang mga pulitiko noong botohan lang mahusay Iba’t ibang kwento ng mga mga kabayanihan Ating nasaksihan sa matapang na mga kababayan Lumaganap ang pagkakaisa at pagtutulongan Habang ang politiko nagnanakaw sa kaban ng bayan Sana ay maging aral para sa susunod na halalan Wag ibase ang boto dahil lang sikat ang pangalan Paano ka maiintindihan ng taong lumaki sa yaman Pulitikong hindi nakaranas mabuhay sa kahirapan BIOMAN
Posted on: Thu, 21 Nov 2013 09:00:44 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015