Saturday, March 29th [Moses] continued steadfast as seeing the - TopicsExpress



          

Saturday, March 29th [Moses] continued steadfast as seeing the One who is invisible.—Heb. 11:27. We understand that secular work and money can help us to care for our needs. We know that recreation can refresh us and that technology can be useful. But pursuing any of these things at the wrong time, to an extreme degree, or in a way that interferes with our worship could distance us from Jehovah. Satan, of course, would like that to happen. Still, you can prevent such a calamity from befalling you and your family! (Prov. 22:3) Draw close to Jehovah, and stay close to him. We have many Bible examples to instruct us in this regard. Enoch and Noah “walked with the true God.” (Gen. 5:22; 6:9) Jesus had God’s constant support because he always did what was pleasing to his heavenly Father. (John 8:29) Imitate such examples. “Always be rejoicing. Pray incessantly. In connection with everything give thanks.” (1 Thess. 5:16-18) And let nothing distance you from Jehovah! w13 1/15 3:19, 20 Sabado, Marso 29 Nagpatuloy [si Moises na] matatag na parang nakikita ang Isa na di-nakikita.—Heb. 11:27. Nauunawaan natin na mahalaga ang sekular na trabaho at pera para matugunan ang ating pangangailangan. Alam natin na ang paglilibang ay nakagiginhawa at ang teknolohiya ay kapaki-pakinabang. Pero tandaan natin na kung ang mga bagay na ito ay wala sa lugar, umuubos ng ating panahon, o nakahahadlang sa ating pagsamba, maaari tayong ilayo ng mga ito kay Jehova. Iyan ang gustong mangyari ni Satanas. Pero mapoprotektahan mo ang iyong sarili at ang iyong pamilya! (Kaw. 22:3) Lumapit kay Jehova at manatiling malapít sa kaniya. Maraming halimbawa sa Bibliya na matutularan natin. Sina Enoc at Noe ay “lumakad na kasama ng tunay na Diyos.” (Gen. 5:22; 6:9) Laging ginagawa ni Jesus ang kalugud-lugod sa kaniyang Ama, at pinagpala siya dahil dito. (Juan 8:29) Tularan ang mga halimbawang ito. “Lagi kayong magsaya. Manalangin kayo nang walang lubay. May kaugnayan sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo.” (1 Tes. 5:16-18) At huwag hayaan ang anuman na mailayo ka kay Jehova! w13 1/15 3:19, 20
Posted on: Fri, 28 Mar 2014 22:41:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015