Survivor. Nagsimula ang kwento ng tatlong magkakaibigan nong - TopicsExpress



          

Survivor. Nagsimula ang kwento ng tatlong magkakaibigan nong lumubog ang kanilang sinasakyang barko. Magkaibigan n ang tatlo mula pa nong mga bata pa sila. Si Nardo, Berting at Carlo, mga kalog kung tawagin kapag nagsama-sama na sila. Naisipan nilang magbakasyon sa boracay. Habang binabaybay nila ang karagatan ay hindi sinasadyang napadaan sila sa malalakas na alon na siyang dahilan ng paglubog ng barko. Galing sila ng Mindanao at nagpasya lang silang magbakasyon sa boracay. Apat silang nakaligtas ngunit ang isa ay binawian din ng buhay dahil sa dami ng nawalang dugo mula sa pagkaipit nya sa barko bago tumalon. Napadpad naman ang tatlo sa isang maliit na isla at parang nababalotan ng misteryo dahil sa makapal na hamog na nakapaligid dito. Kahit nakakatakot ang lugar ay napilitan ang magkakaibigan na puntahan nalang ang isla kesa mababad sila sa tubig. Tahimik at mapayapa ang isla, sagana ito sa prutas. Habang naglalakad sila ay kung saansaan sila tumitingin dahil sa ganda ng tanawin. May mga kakaibang hayop silang nakita at kakaibang gulay at prutas sa gitna ng gubat. Lumipas ang araw, linggo at buwan ay masaya pa rin silang nagsasama sa isla. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay miss na nila ang kanilang pamilya. Kumawa sila ng kubo na tutuloyan sa tabi ng sapa. Animoy isang paraiso iyon at alaga ng ibang nilalang. Walang dumadaang barko sa isla na yun kaya 10% lang ang chance nilang makauwi. Araw-araw silang nasa tabing dagat para maghanap ng mapapagawing barko pero lagi silang bigo. Habang papauwi na sila sa daan ay may nakita silang hayop na sugatan at tila naipit sa mga kakahuyan. Agad nila itong nilapitan at ginamot saka inuwi sa kanilang kubo. Kahit papano ay may paglilibangan na rin sila. Ngunit ang di nila alam, ang hayop na kanilang tinulongan ay isa pa lang diwata. Labis ang pagka-gulat ng tatlo at natakot pa sila rito. Huwag kayong matakot, isa akong diwata sa lugar na ito. Maraming salamat at tinulongan niyo ako. Lubos na malinis ang inyong puso. Dahil sa ginawa niyo bibigyan ko kayo ng tig-isang kahilingan. Ani ng diwata. Hindi makapanilawa ang tatlo bagkos nagusap-usap sila kung ito nga ay totoo. Kung totoo kang diwata at mapagbibigyan mo ang aking kahilingan, gusto kung makita at makasama ang aking pamilya ani Nardo. Kung yan ang iyong nais Masusunod sagot ng diwata. At nawala ngang parang bula si Nardo at nakapiling ang kanyang pamilya. Nagulat naman si Berting at Carlo sa biglang paglaho ni Nardo. Mabilis namang sinundan ni Carlo ang paghiling. Mahal na diwata, nais ko rin po makauwi at mayakap ang aking mga magulang mangiyak-ngiyak na sambit nito. Masusunod kaibigan ani ng diwata. At mabilis na nawala sa paningin ni Berting si Carlo. Nakasama na ni Carlo at nayakap ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Sa nangyari ay nalungkot si Berting. Bakit ka malungkot kaibigan? Ikaw na an susunod na hihiling. Tanong ng diwata kay berting. Mahal na diwata..nalulungkot lang ako kasi iniwan aq ng mga kaibigan ko malungkot na sambit ni Berting. So ano ang iyong hiling munting kaibigan? Tanong muli ng diwata. Gusto ko sanang makasama muli ang aking dalawang kaibigan ani Berting. Masusunod sagot ng diwata at mabilis na nawala. Bigla namang sumulpot sa harapan niya sina Nardo at Caloy.hahahahaha Sa tingin niyo anong mangyayari kay Berting??? Hahahaha (mukmafi kasi.) (Lumang kwento na yan..kaso binigyan ko lang poh ng kunting detalye at iniba ng kunti ang storya) Admin KCD
Posted on: Wed, 04 Dec 2013 09:12:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015