Thanks to the almighty at ligtas ako nakauwi ng bahay... Until now - TopicsExpress



          

Thanks to the almighty at ligtas ako nakauwi ng bahay... Until now medyo na trauma pa din ako sa mga holduppers na yun ... Ingat sa lahat ng sumasakay ng bus na madadaan ang naclaran to any part of manila, lalo na pag maulan meron kasi group of people na sasakay then uupo sa ibat ibang upuan. Dun palang kinabahan na ako. Then yung katabi kong guy dinistract ako na sa bi may suka daw ako ng bata sa may jacket ko, so napatingin naman ako, lalo akong kinutuban dahil yung inupuan nya inupuan ko din at wala namng suka ng bata, then pilit nyang pagpilitan na meron. But i resist na tanggalin jacket ko. So to the rescue na yung isa nyang kasamahn na tinututo naman may natapakan akong suka. Pero di ko sila pinapansin na. To the point hinawakan na nung lalaki yung shoe ko para ituro na may suka , so ako na paatras naman dahil ang weird ng ginagawa nya hanggang tinangal nya yung shoes ko. So ako na payuko para ikabit ulit at ramdam ko na na may gagawing masama kaya napahawak ako sa bulsa ko where my cellphone is. Nakita ko yung kasama nya nakahawak na sa bulsa ng pants ko. Kaya nag isip ako na kumariipas ng takbo sa unahan ng bus para mapansin ako ng karamihan pero sinundan pa rin nila ako kaya dinistract ko na yung driver para malaman nya na may masasamang loob ... Effective naman kasi naging alert lahat sa loob pati nasa labas kaya wala na nagawang masama ang mga yun. Salamat wala namang nakuha sakin. Be alert always wag mag pa deceive sa looks nila kasi mukha silang di gagawa ng masama. Natakot ako dahil puro babae pa ang nasa loob ng bus. Lakas lang ng loob ko na mag pumiglas sa kanila kanina. Sabi pa ng konduktor nambibiktima din daw ang mga yun sa bandang ayala sa makati . So guys be safe, sa panahon ngayon no one is safe.
Posted on: Tue, 03 Sep 2013 15:42:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015