They say that “life is but a stage and every man but an - TopicsExpress



          

They say that “life is but a stage and every man but an actor”. If so, then God is the director and the script would be the Bible. Each of our lives are written uniquely, crafted to become what it is destined to be - a masterpiece. As I enter the 25th anniversary of my life’s stage play, I want to thank the following for their support and love: 1. Room 303 - paping Gab and Jopan para sa unforgettable DOTA days during review at pusoy para lang malaman kung sino ang maghuhugas ng pinggan, sa pagpapautang at sa pagkakaibigan 2. Sa mga naging love interests ko na sina Lanie, Katrina, Klarenz, Gen, Mich at sa mga naging “crush” ko para sa experience, sa inspiration at sa lessons I’ve learned from you 3. Sa MOTLOGZ professionals, para sa friendship na naging lakas at inspirasyon ng bawat members - Edd john, Ryan, Leo, Carla, Karen, Airiza 4. Billy, Bogart, Agyo, Badong, Gabo - mga kababata ko sa tumana para sa pagsama sakin na gumagawa ng kalokohan, magbola, manggagamba, manalagubang, maligo sa ilog, atbp. 5. Special friends - kapatid na Catrin, Mylyn, Prianne, Ms. Love para sa mga kwentuhan ng mga personal na bagay at matters of the heart 6. Sa MnMs -Choc, Ciara, Jemars, Janus, Jason, Kim para sa pagbibigay kulay at buhay sa madalas na matamlay nating hanapbuhay, sa movie nights, OT days at drama and tawa times 7. Deloitte batchmates, Lafarge audit team, healthway family, P&G teammates - para sa outings, lunches and dinners, mga gala, reporting pack deadlines, SUITS days, typing maniac days, para sa epic fun while working experience 8. To my former seniors, managers and partners-in-charge sa MDAC at NACo for the review notes, counseling, work and non-work advice at free snacks and meals 9. Sa housemates and Bible study group sa tinitirahan ko ngayon dito sa 143 Building (Jumbo Hamdan) para sa mainit na pagtanggap at sa fellowship kay Lord 10. Sa mga MES at MHS classmates ko - Tetel and friends, Clameshake, MSEP, II Mediatrix, III Emerald at IV Einstein para sa pagsama sakin nung graduation (mukha akong tanga kung mag-isa), sa noodles night, kape, pusoy, goto, burger, at kung anu anong pang kayanin ng budget 11. Ma’am Hernando at mga kasamahan, Sir Alex at MHS teaching force during my time - sa mga elementary at high school teachers ko para sa paghubog ng kaisipang meron ako ngayon 12. Sa AU family ko, sa mga teachers ko sa CAS at CMA - Ma’am Shirley, Ate Fidela, Ma’am Balot, Sir Kevin, Bossing, Sir Sibo, sa mga Deans - Ma’am Emmie, Dean Paglinawan, Ma’am Candeng, Ma’am Dedeng, Sir Adel, Sir Guerrero, Atty. Sanqui, sa mga Librarians - Ma’am Connie and friends at Guards 13. Kay Kuya Dan at lahat ng bumubuo ng Portal4Youth para sa patuloy na pag-involve sa akin sa pagtupad ng pangarap nating makatulong sa mga batang may talino at talento, sa pagtanggap sa akin sa Baguio at sa Ortigas 14. Kina Atty. D, Roque Brothers, George James, Aljon Lee, Uberita, Dean Bobads, Dayag at Valix para sa nakakatawang preparation ko for the board exams 15. Kay Father Arthur, Father Armand, Pastor Ver and Pastor Arnold, Brother Randy, George and Bo para sa life changing preachings niyo sa simbahan, sa Victory at sa The Feast 16. Kay Tito Rommel na tumulong sa akin noong nag-aaral ako at nagrereview at siyang naging impluwensya kung bakit ako CPA/auditor ngayon 17. Kina Tita Empie at Tito Jess, Tita Glo at Tito Inte at mga pinsan ko sa Makati na naging tanahan, tulugan, kainan at tambayan ko nang halos tatlong taon 18. Sa mga pinsan ko sa Perez at sa Benico, sa mga tito at tita ko, lola at lolo, mga katambay sa kanto at suki ng mga tinda ko 19. Kay Lolo Epeng at Turing at Lola Puring at Mamang, para sa pagmamahal niyo sa pamilya namin, sa pagpapaaral sa mga magulang ko at pagsuporta sa pangangailangan namin, sa pagtuturo ng paggawa ng sulpak at torotot at pagluluto ng paborito kong suman at bibingka 20. Sa mga naging katrabaho ni mame sa Academy/MES/SAES at ni dade sa Petron/NEECO/Munisipyo na mga tumulong sa kahit maliit na paraan noong nagsisimula pa lang ang pamilya namin - Sir Godo, Sir Pol, atbp 21. Sa mga mabubuti naming kapitbahay para sa pagpapahiram sa amin ng pambaon at pambili ng ulam noon - Ate Baby at Sankong Hector, Tita Susan, Lola Careng 22. Sa mga bumili ng tulya at suso, usbong ng sampalok at ampalaya, kamatsile at sitaw sa akin at sa nagpatanim ng petsay at nagpahimay ng mustasa, sa nagpaharvest ng manok - nakatulong ng malaki sa pag-aaral namin ang mga bayad niyo 23. Kay Dear para sa pagmamahal at pagtitiwala at sa pagtupad sa nag-iisang rule sa pagitan nating dalawa, sa sakit ng ulo at stress at sa mga unforgettable moments 24. Sa mga kapatid ko para sa paniniwala sa kakayahan ko, sa pagrespeto at pagsunod sa mga bilin ko 25. Kay mame at dade para sa pagmamahal, pag-aalaga, sakripisyo, pagtitiis at paghihirap, sa pagtuturo sa aking bumasa at sumulat, maghanapbuhay, mangisda, gumapas, para sa pagpapaaral at pagtuturo saking magdasal Sa inyong lahat, maraming salamat! At sa Iyo Amang nasa langit, maraming maraming salamat po sa biyaya ng buhay, pamilya, mga tunay na kaibigan, talino at talento at sa akin pong trabaho. Amen.
Posted on: Fri, 02 May 2014 11:27:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015