Tinitigan ko yung maliwanag na ilaw. Kahit na alam kong parang - TopicsExpress



          

Tinitigan ko yung maliwanag na ilaw. Kahit na alam kong parang mabubulag ako kapag tinitigan ko yun. Yun bang may itim na portion sa vision mo dahil sa tapang nung ilaw. Alam ko yung consequences pero still ginawa ko. Parang ngayon, pumasok ako sa isang bagay na alam kong masasaktan ako ng sobra o magiging masaya ako ng husto sa huli. Ito yung pinakamatinding risk sa buhay ko eh. Kailangan ko maging matatag para sa kanya dahil hindi ko kaya ang sarili ko kapag sobrang lungkot. Hindi ko alam kung ano ang dapat maging emosyon. Kumbaga sa patay. Andun ako sa purgatoryo. Pero mas nanaisin kong tumambay dun sa kung ano ang masaya. Kakayanin. Puso lang. Mahal eh.
Posted on: Thu, 12 Sep 2013 17:43:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015