Unang bus ambulance sa Phl, magiging operational na sa Davao - TopicsExpress



          

Unang bus ambulance sa Phl, magiging operational na sa Davao City DAVAO CITY – Dalawang linggo mula ngayon gagamitin na ng lungsod ang bagong state-of- the-art bus ambulance na una umano sa buong bansa kung saan meron itong 15 bed capacity para sa mga pasyente. Ayon kay Central 911 head Emmanuel Jaldon, ang bus ambulance ay maaari umanong makaresponde kung may isasagawang rescue operations lalo na’t may ilang mga gamit na ito na makikita rin sa isang ospital. Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ang dagdag na mga medical equipment na ilalagay sa loob ng bus bago simulan ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko. Inihayag naman ni Public Safety Command Center (PSCC) chief Francisco Villaroman, malaking tulong ang nasabing bus ambulance lalo na ngayon na may problema na ang ilang mga ambulansiya ng lungsod at kailangan ng palitan. Liban sa makikitang 15 higaan para sa mga pasyente, meron din itong oxygen tanks, hooks ng dextrose bottles, at storage ng emergency equipment para sa isasagawang rescue operations. Napag-alaman na pwede rin itong hiramin ng ibang mga lugar sa Davao region kung kakailanganin lalo na sa panahon emergency Bombo Radyo Admin Rapista
Posted on: Sat, 31 Aug 2013 08:42:12 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015