ang daming pwedeng pasabugan, bakit mga inosenteng mamamayan pa... - TopicsExpress



          

ang daming pwedeng pasabugan, bakit mga inosenteng mamamayan pa... pwede nyo naman pasabugin ang mga bahay ng congressman, senador etc... yung mga mag nanakaw sa pinas... pasabugin nyo kahit araw araw pa... pero bakit ganito... inosenteng mga tao pa ang tinitira nyo... COTABATO CITY:Umakyat na sa siyam ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring pagsabog sa Cotabato City noong Lunes. Iniulat ngayon ni Region 12 police head C/Supt. Charles Calima Jr. na pumanaw kagabi sa ospital ang isa pang malubhang nasugatan sa insidente. Maalala na anim katao ang ideniklarang dead on the spot sa pagsabog nang "car bomb" sa kahabaan ng Sinsuat Highway noong Lunes ng hapon. Sa ngayon ay nanatili pa rin sa ospital ang 12 pang biktima. Samantala, mas lumakas umano ang anggulong personal na motibo ang nasa likod nang pagsabog. Ayon kay Cotabato City police director S/Supt. Rollen Balquin na batay sa inisyal nilang imbestigasyon, wala aniyang indikasyon na terorismo ang nasa likod nang madugong pangyayari. Gayunman, aminado ang opisyal na malakas na uri ng explove device ang ginamit ng mga suspek kung pagbabatayan ang lawak ng pinsala nito. Una na ring sinabi mismo ng Pangulong Benigno Aquino III na walang indikasyon na may kaugnayan ang Al Qaeda threat sa naturang insidente. Samantala, sinabi din ni Balquin na inaalam na rin ng mga imbestigador kung may kaugnayan ang pagsabog sa lungsod sa naunang bombing incident sa Cagayan de Oro.
Posted on: Wed, 07 Aug 2013 01:06:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015